"Achoo!"
Malapit na ang exams at sinisipon na ulit siya.
Pagtapos linisan ang baradong ilong, umupo sa may counter si Ysael at pinatong ang ulo doon. Sinundan ng kanyang mga mata si Isda na nasa loob ng fishbowl.
"Astiiig!" Aniya, namamangha sa goldfish na parang umiilaw sa dilim dahil sa kandilang nasa likod ng bowl.
Kabibili lang niya ng goldfish sa isang shop. Alam niyang ipinagbabawal ang hayop sa apartment ngunit ayos lang naman siguro kung isda lang diba?
Sinundan-sundan ni Ysael ang bawat galaw ni Isda, bawat biglaang pagbilis at pagbagal ng langoy, bawat pakurap ng mata nito. Nagpapatahimik ito sa kaluluwa.
Pinatuyo ni Ysael ang kanyang buhok gamit ang kanyang hairdryer. Habang naglalakad sa loob ng apartment suot-suot ang bathrobe, (dahil gusto niyang maramdaman ang feeling na maging mayaman) sinasabayan niya ang rap ng Devilman Crybaby na nagpapatugtog sa speaker.
Nag-brownout sa buong building dahil sa nagaganap, nanginginig pa ang bintana sa malakas na kidlat at kulog sa labas. Bumuhos pa ang ulan na tila nagpapatugtog ang langit ng EDM kaya sobrang hardcore ng panahon ngayon. Nagpa-party na sila.
Cool, guys.
Sinuklay ni Ysael ang buhok gamit ang mga daliri pagtapos buksan ang cabinet at kumuha ng damit. Alam niyang mukhang bumabagyo na- rinig na rinig nga eh -pero ubos na ang cup noodles sa bahay niya nang kinain niya ang huling cup kanina.
Hinablot niya ang wallet niya at naglakad na patungong convenience store. Nafi-feel niyang walang makakapigil sa kanya. Hindi ang basang-basa niyang hoodie at hindi rin ang paa niyang lubog na sa sanaw, naglalakad pa rin siyang matuwid, kalma lang.
Para siyang tanga sa tingin ng iba- ayaw tumakbo, eh.
Nang makarating siya sa convenience store, tumutulo na ang tubig mula sa shorts niya at masyado nang marumi ang tsinelas kaya't pinunas niya lang sa mat at iniwan ito sa labas.
Pagpasok, tumama agad ang lamig sa katawan niya, nadodoblehan pa dahil basa siya. Nakikita na nga ang "brr" na sound effects sa mukha niya.
Tumingin ang clerk sa kanya na nakapaang pumasok, nagmumukhang pulubi. Nginitian niya lang ito at blangko lang ang mukha ng clerk. Tinaasan pa ni Ysael ng thumbs up ang clerk bago lumapit sa ready prepared meal section.
Kunot-noo niyang pinag-isipan kung anong pipilin: may karne o veggies. O baka egg sandwich lang? Hmm.
Bago tuluyang pumili, hinanap niya ang shelf na may towel, kung meron nga ba. Nang maisipang kumuha ng isa, may kamay na pumasok sa line of vision niyang may hawak na coat.
"Malamig" lang ang sabi.
Pag-angat ng ulo niya, nandoon na ang lalakeng salamin, inilalahad sa kanya ang isang hoodie.
Tinitigan nang mabuti ni Ysael ang lalake, isa sa rason ay dahil sa anyo ng lalakeng parang hindi tumanda. Parang hindi lumipas ang apat na linggo dahil pareho pa rin ang porma niya: coat, hoodie, shorts, salamin, kaso ang nag-iba lang ay ang kulay. Kung sa nakaraan ay itim lahat, ngayon ay dark brown na.
BINABASA MO ANG
Si Ysael at Mateo
RomanceSi Ysael at Mateo ay ang walang-ambag-sa-society duo, trapped in their own little world.