My Mysterious Vocalist
Written by: superdmx
Book Cover by: kailafiris
Kabanata 10***
Lumipas ang araw at mga linggo, palapit na ng palapit ang Music Fest. Lahat ay nae-excite sa papalapit na aktibidad na ito, lalo na at kasali ang Alpha-Phonetic Band na siyang representative ng Phoenix University.
"Sobrang ecxcited na talaga ako! Gosh first time kong manunuod ng Music Fest" sambit ng kaibigan ni Hannah na si Heather. Agad naman niyang hinila papasok sa loob ng kanilang eskuwelahan ang kanyang kaibigan.
No classes today dahil mamayang gabi na ang Music Fest at ang lahat ay naghahanda para dito. Pero nandito ang lahat ng estudyanteng gustong sumuporta sa representative ng school nila.
Mauuna ang Battle of the Bands category ng Music Fest, mamaya na itong gabi. Labis na ang kaba ng misteryosong grupo.
"Sa tingin niyo ba mananalo tayo?" tanong ni Whiskey sa mga kabanda niya.
"Oo naman! Kay Alpha palang panalo na tayo" sagot ni Charlie sa mga ito.
Hindi suot ang kanilang mga maskara, kaya halatang-halata ang kaba sa kanilang mga mukha. Hindi mapakali ang lahat dahil ilang oras nalang magsisimula na ang Battle of the Bands.
Pero may isang taong hindi kinakabahan para sa nalalapit na contest. Ito ay si Alpha. Alam niyang kapag inuna niya ang kaba ay walang mangyayari, kailangan niyang maging malakas para sa grupo. Hangga't maaari ay siya ang magbibigay lakas, magpapawala ng takot sa mga kabanda.
Iisa lang naman ang dahilan kung KANINO ako dapat kabahan, sa kanya.
Paulit-ulit na sinasabi niya sa isip niya upang huwag isipin ang kabang unti-unting na niyang nararamdaman para sa Battle of the Bands mamaya.
Agad na kinuha ang cellphone nito at pinindot ang pangalan ni Jia at tinawagan ito.
"Guess who's calling? Hahaha" sambit sa kabilang linya.
Huminga ng malalim si Alpha bago nagsalita. "Huwag ngayon Jia" sambit nito.
"Okay fine, ano na naman ba?" tanong ni Jia sa kabilang linya.
"Kailangan kita" sambit ni Alpha at kinakabahan na pinatay ang tawag.
Pinindot din ang isang pamilyar na pangalan sa kanya at kinausap.
***
Hannah's POV
Nandito kami ngayon ni Heather sa canteen, nagpapalipas ng oras. Lahat ng fans ng Alpha-Phon ay narito sa school ngayon kahit wala kaming pasok ngayon. Lahat at eksayted na para sa magaganap mamayang gabi.
"Alam mo Hannah kapag nanalo sila mas dadami fans nila" sambit ni Heather habang palinga-linga sa kanyang paligid.
Tumango nalang ako sa kanya.
Totoo naman, mas sisikat sila. Sa galing naman nila talagang mapapahanga ka.
Lalo na kay Alpha
Speaking of him, ayun walang balita tungkol sa kanya. Di na ulit ako nag-abala na pumuntang Music Room, ewan ko ba. Baka kasi makita ko na naman dun si Jia, feeling ko kasi nagseselos ako.
Wala naman akong karapatang magselos pero nararamdaman ko, anong magagawa ko?
"Hannah! Hannah!"
Pwede bang mawala nalang yung feelings bigla?
"Hannah!"
Napalingon ako kay Heather, sinisigaw na pangalan ko.
"Ano ba?" tanong ko. Tumingin sya sa likod ko, "papalapit dito si Jia" sambit nya.
Bigla akong kinabahan.
Ano na naman kailangan nya? Mang-aasar? Mang-iinggit? Ano?
"Hannah Cantalejo" sambit ng boses mula sa likod ko, lumingon ako.
Iniabot niya sa'kin ang isang gold card.
"The card of truth"
Dug dug.
Card of truth?
Kinuha ko ito mula sa kamay niya.
Inirapan niya ako bago siya tumalikod.
Dahan-dahan kong binuksan ang card na hawak ko.
ALPHA....?
***
Note: Next chapter will be Alpha's POV.
Don't forget to leave a star and comment your reactions!
YOU ARE READING
My Mysterious Vocalist (ON-GOING)
RomanceWARNING: This is not a typical love story. Have you ever fall in-love to the person who even don't know his face, just his voice? Would you take risk or lose the chance? Are you ready to be his No. 1 fan? Be ready to amaze and fall in-love in his vo...