Kabanata 6

121 28 11
                                    

My Mysterious Vocalist
Written by: superdmx
Book Cover by: kailafiris
Kabanata 6

— Hannah —

Nakatanggap na naman ako ng sulat mula sa kanya, mula sa taong hindi ko kilala. Binabaliw ko daw siya? Kalokohan! Mas binabaliw niya ako sa mga pinapadala niyang sulat. Nahimatay pa nga ako diba?

Grabe! Hanggang kailan ba siya magpapabigay ng Card kay Jia? Matutuwa pa ako sana kung siya si Alpha, kaso hindi naman siya yun. Malabo at isang malaking imposible. Dapat bang matuwa nalang ako kasi may nagkakacrush sa'kin? Kaso dapat magpakilala siya diba? Ang creepy creepy kaya kapag mayroong taong nagkakagusto sa'yo tapos nagbibigay ng kung ano-ano, hindi ko naman kilala.

"Gusto mo ipahanap natin kina Lance yan?" suhestiyon ni Heather.

Ayoko namang abalahin pa sila Lance para hanapin ang  "Secret Admirer" kuno ko daw sabi ni Heather.

"Magpapakilala siya kung gusto niya talaga ako, 'wag siyang duwag" sambit ko. Tumawa si Heather. Seriously?

Tinawanan niya yung sinabi ko? Seryoso kaya ako. Totoo naman ah? Dapat 'di ka torpe, 'wag kang gumaya sa Kuya ko.

"That's deep! Nagkasakit ka lang ganyan ka na. Bakit 'di ka makipagkilala kay Alpha? Diba sabi mo nga "magpapakilala siya kung gusto niya talaga ako, 'wag siyang duwag"" sambit ni Heather. Napalingon ako sa kanya.

Anong gusto niyang sabihin? I mean, anong ibig sabihin niya?

"So, kung gusto mo talaga si Alpha. Bakit hindi ka magpakilala?" sambit ulit niya. Umiwas ako ng tingin.

Kung pwede lang, kung pwede lang na magpakilala ako sa kanya gagawin ko ngayon na. Kaso hindi. Hindi naman pwede. Ang misteryoso ng banda nila, lalo na siya. Kung ganoon nga lang talaga kadali, ginawa ko na sa simula pa lang.

"Hindi ko nga siya kilala, tapos magpapakilala pa 'ko? Seryoso Heather? Nakamaskara nga sila diba? Misteryoso diba? How can I introduce myself to him?Hindi ko nga alam ang itsura niya" paliwanag ko.

"Okay okay, fine" napabuntong hininga siya.

'Di niya ako mapipilit na makipag kilala kay Alpha. Kahit gusto ko siya, 'di naman ako ganoon ka-desperada para makuha ang antensyon niya. Sapat na sa'kin na napapanuod at naririnig siyang kumakanta.

Dumarami na ang tao dito sa Gymnasium, mag a-awarding na kasi, tutal last day na rin naman at wala ng mga larong magaganap. Nasa'n na ba mga kaibigan ko? Hinila ako ni Heather bandang malapit sa court. Ang sakit maka-hila ng babaeng 'to, kakagaling ko palang kaya sa sakit. 'Pag ako nagkasakit ulit, sisisihin ko siya.

"Uy ayun sila!" turo niya kina Lance at Drix. Kumaway ito sa kanila, kumaway na rin ako. Kumaway din sila sa'ming dalawa pabalik. Kasama nila mga ka-team nila. Champion ang Team namin, nila Drix sa Basketball. Naka-first place lang sila Lance.

Pero okay lang yun, parte yun ng laro. Ang mahalaga ngayon, magkaibigan pa rin sila at walang nagbago. May nanalo man o natalo sa kanilang dalawa, wala sa kanila yun. Hindi masisira ang pagkakaibigan nila ng ganoon kadali, napakalalim ng samahan nilang dalawa. Sayang lang at hindi ko napanuod yung mga ibang laro nila. Kasi sabi ni Heather, muntik pa daw matalo sila Drix. Muntik ng hindi makapasok sa Championship Game, pero nanalo pa rin naman sila.

Lumapit sa'min si Neo. Tumango lang ako sa kanya. Tumabi siya sa'min ni Heather. Lumingon ako sa harap. Diba dapat nandoon siya harapan dahil sila ang nag-aasikaso ng para sa awarding? Bakit nandito siya sa'min?

"Natapos ko na gawain ko Hannah" sambit nito. Lumingon ako sakanya at ngumiti ulit. Nababasa na naman niya ang nasa isip ko.

"Halata sa mukha mo" tapos tumawa siya. Buti hindi ako pumayag dati na tumakbo sa SC, baka manalo pa'ko. Ayoko ng maraming tungkulin, hindi ko kayang mawalan ng oras sa mga kaibigan at Kuya ko. Basta, ayoko lang ng maraming responsibilidad. Ayoko ng maraming iisipin.

My Mysterious Vocalist (ON-GOING)Where stories live. Discover now