My Mysterious Vocalist
Written by: superdmx
Book Cover by: kailafiris
Kabanata 7— Hannah —
Dumaan ang weekend ko na masaya. Nakasama ko ang mga kaibigan ko, nag date kaming lima. Pumunta kami sa EK nung sabado. 'Di kami masyado nakapag enjoy sa rides kasi umuulan, nag foodtrip nalang kami dun. Inabot kami ng gabi kasi hinintay namin yung fireworks display. Pinagalitan pa nga ako ni Kuya, 'di ko daw siya sinama. Sus! Gusto lang makasama si Heather kaya ganon umarte.
Nung linggo naman sumimba kami tapos nag-Movie Marathon kami sa bahay. Pinanuod namin yung Deadpool 2, may copy kasi si Kuya, nakinood din siya sa'min. Day off niya kasi. Maghapon silang nasa bahay, kulang nalang dun sila tumira.
Sobrang namiss ko lang na maka-bonding sila. Pumapasok nga kami sa iisang eskuwelahan pero 'di naman kami madalas magkakasama. Magkakaiba kami ng schedule at strand. Malamang si Drix at Heather lang palagi kong makakasama. Magkaklase kami ni Drix, sabay kaming pumapasok at umuuwi ni Heather. Lagi na kasi siyang dinaraanan ni Kuya sa kanila, pati nga si Neo nakikisabay na din kapag nali-late na siya. Sobrang nakakahalata na din ako sa closeness nila, ako lang ba nakakahalata? Ako lang ata nagbibigay malisya. Manhid lang talaga 'tong si Heather para hindi makahalata sa mga kinikilos ng nakakatanda kong kapatid.
Dumaan ang isang linggo na may pasok, puro lessons. Napakaraming school works na ginagawa. Mabuti nga at classmate ko si Drix, nagtutulungan kami sa pag-aaral. Tuwing hapon pumupunta siya sa bahay tapos sabay kaming nagrereview. Sumasama rin yung tatlo. Ayun, sabay-sabay kaming mag-aaral pero makalipas ng tatlong oras na pagiging seryoso, biglang may mag-iingay. Si Lance o kaya si Heather, hanggang sa mauwi kami sa kwentuhan at tahanan.
Kasalukuyang last day na ng exam namin ngayon. Last subject na rin kami which is Pre-Calculus. Sana makisama ka naman please? Last na naman eh.
*cross finger*
"Hannah, anong ginagawa mo?" bulong ng katabi ko, si Drix.
"Ah eto ba? Wala" bulong ko sa kanya.
"Mr. Villavicencio and Ms. Cantalejo tama na ang tanungan" sambit ng aming guro. Napalingon ako sa unahan at ngumiti ng pilit.
Ipinapamigay na ang aming test papers. Lord, kayo na po ang bahala sa'kin. Sana po talaga nandito lahat ng inaral ko! Puspusan talaga ang pag-aaral ko sa Math. Nalampasan ko na ang General Mathematics, sana naman pati Pre-Calculus.
"Goodluck" bulong ng katabi ko. Ang kulit talaga, mamaya mapagalitan na naman kami.
Nag thumbs-up lang ako sa kanya at ngumiti. Nagsimula na akong magsagot sa aking papel.
(After 2 hours)
Sa wakas! Nakatapos din sa pagsasagot. Grabe, buti nalang talaga nag-aral ako. Aish. Naghihintay ako ngayon dito sa labas ng room namin, nagpapahintay si Drix. Ang tagal niya kasing mag-sagot, pagoodluck-goodluck pa siya sa'kin kanina ha.
Kamusta na kaya si Alpha? Walang balita sa kanya. Walang performance, walang upload sa Youtube na cover nila. Siguro naging busy din talaga sila. Nung isang gabi nag-puyat ako, naghahanap kasi ako sa FB ng account ni Alpha o kaya sa Twitter, pero nabigo ako. Dahil wala siyang Social Media account. Tanging page lang ng kanilang banda. Ang kailangan kong malaman ay kung anong apelyido niya or pangalan man lang sa mga accounts niya. Kumuha rin pala ako ng mga ilang pictures ng banda, lahat ng pictures niya, tapos ni-save ko sa phone ko. Para naman bago ako matulog, titingnan ko muna yung picture niya tapos baka mapaginipan ko diba? Aish! Binabaliw niya talaga ako! Nakakainis.
"Yes! Tapos na ako!" sambit ni Drix. Tinawanan ko lang siya.
"Tara na kay Heather" sambit ulit niya. Tumango lang ako. Naglakad na kami papunta sa room ni Heather.
![](https://img.wattpad.com/cover/147453344-288-k271593.jpg)
YOU ARE READING
My Mysterious Vocalist (ON-GOING)
RomanceWARNING: This is not a typical love story. Have you ever fall in-love to the person who even don't know his face, just his voice? Would you take risk or lose the chance? Are you ready to be his No. 1 fan? Be ready to amaze and fall in-love in his vo...