My Mysterious Vocalist
Written by: superdmx
Book Cover by: kailafiris
Kabanata 1— Hannah —
Hannalyn Cantalejo
July 2, 1980 - January 24, 2016Zion Cantalejo
June 2, 1978 - January 24, 2016Naiiyak na naman akong nakatingin sa lapida ng mga magulang ko.
It's been 2 years since they died. Masakit pa rin hanggang ngayon, kahit dalawang taon na ang nakalipas.
"Sinisisi mo parin ba sarili mo sa nangyari sa kanila?"
Actually, oo. Kung hindi naman dahil sa akin hindi sila mamamatay.
Tumango lang ako kay Neo.
Kasama ko ang apat kong kaibigan, si Neo, Lance, Hydrix at Heather at ang Kuya ko na si Zean Cantalejo.
Hinawakan ni Neo ang balikat ko.
"Alam mo Hannah, matagal na naming pinapaintindi sayo na wala ka namang kasalanan sa nangyari" sabi ni Neo.
Pero kasalanan ko naman talaga kung bakit sila namatay. Kung hindi ko sila pinilit na pumunta sa Birthday Party ko, kasama ko pa sana sila ngayon.
Lumapit sa amin sina Kuya Zean, Lance, Heather at Hydrix.
"Tara magdasal na tayo at pagabi na uuwi na tayo" sabi ni Kuya Zean.
Nagdasal kami ng taimtim.
Mommy and Daddy, I'm sorry kung hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang pagkamatay niyo. Sa tamang panahon siguro, mapapatawad ko rin sarili ko. I love you always mom and dad. Happy Birthday Mommy! Bantayan niyo ako palagi ha.
Pagtapos namin magdasal, sumakay na kami sa kotse ni Kuya Zean.
Nagsiksikan ang apat kong kaibigan sa likod at nakaupo naman ako sa harapan.
Nakatingin lang ako sa bintana ng sasakyan. Unti-unti ng lumulubog ang araw. Kailan ko kaya ulit makikita ang sunset na kasama sila?
Mag a-ala sais na ng hapon, hindi pa rin kami nakakauwi. Dahil kasalukuyang traffic ngayon, ilang minuto na rin kaming nakatigil.
"Hannah, a-attend ka ba sa Senior's Night mamaya?" tanong ni Heather, ang bestfriend ko.
Oo nga pala may Senior's Night kami mamayang 9pm hanggang 12 midnight.
"Ahmmm, required ba na pumunta?" tanong ko sa kanila.
Kung hindi naman required, hindi ako pupunta. Baka magsayang lang ako ng oras doon. Imbes na natutulog at nagpapahinga nalang ako sa bahay. O kaya magmo-Movie Marathon kami ni Kuya Zean.
"Ang alam ko Oo" sagot ni Lance
Aish. Sayang. Required pala, bakit kasi may ganon pa? May grades ba talagang nakukuha dun? Kalokohan.
"Pupunta ba kayo?" tanong ko sa mga kaibigan ko.
Sabay-sabay silang tumango. Well, no choice. Pupunta sila, edi pupunta na din ako.
YOU ARE READING
My Mysterious Vocalist (ON-GOING)
RomanceWARNING: This is not a typical love story. Have you ever fall in-love to the person who even don't know his face, just his voice? Would you take risk or lose the chance? Are you ready to be his No. 1 fan? Be ready to amaze and fall in-love in his vo...