Rina
"Rina ano ba?!" Naiiritang tanong ni Kuya. Pinilit ko kasi siyang ihatid ako hanggang room. Pwede siyang makapasok sa university since alumnus naman siya.
"Sige na kuya, maglakad ka nalang." Sabi ko habang nagtatago sa likod niya. Nakita ko naman na makakasalubong namin sila Baejin, at Jihoon. Asan sila Daehwi, Woojin at Guanlin?
Ay baka kasama mga jowa nila brrr cringe.
"Kuya lakad ka lang." bulong ko sa kanya
"Parang tanga naman 'tong si Rina."
"Shh wag ka na magreklamo." Sabi ko.
Todo tago ako sa likod ng kuya ko kaso nakita pa rin ako nila Baejin.
"Hi Rina-Chan, good afternoon." Bati niya, panghapon sched ko ngayong sem.
"Uh, hi. Good afternoon." Sabi ko at tinulak si kuya para maglakad nang mas mabilis kaso bigla siyang tumigil
"Ahh I get it. Kaya ka nagpahatid sa'kin dahil kay Jinyoung 'no? Bakit? Nanliligaw ba yon?"
"Ha? Hindi ah! Sige na, ayan na room ko. Uwi ka na. Bye." Sabi ko sabay pasok sa room namin
"Aish Jinyoung." Bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
❝ anime ❞ ➳ b.jy
Short Story↝ ❝ i love anime, but i love you more ❞ ↜ ↭ epistolary & narration ↭ wanna one series # 6 ↭ date started (06/24/18) ↭ date completed (07/14/18 ) highest ranking achieved: #1 in jinyoung (09.09.18) #5 in wannaone (11.26.18)