10

1K 49 5
                                    

Rina

Pagpasok ko nga school, nakasalubong ko si Johnro—kaibigan ko.

May secret cat cafe siya sa tapat ng university, tambay ako lagi do'n kaya naging kaibigan ko na rin siya. Secret cat cafe yon kasi, super konti lang ng nakakaalam no'n tas yung mga pusa ando'n lang sa apartment niya. Actually yung apartment na nirerent niya, mga pusa niya lang ang andon. Sobrang daming pusa kasi ni Johnro, iba't ibang breeds pa kaya ayon. Napagdesisyunan niyang gawing cat cafe yon.

"Huy musta."

"Ayos naman. Ikaw?" Tanong ko

"Okay din naman. Bakit di ka na dumadalaw do'n sa cat cafe? Dati araw-araw kang ando'n ah."

"Ah yun ba. Gusto ko na talaga pumunta do'n kaso sobrang busy talaga ngayong week. Nakaka-one week palang pero feeling ko nakaka-isang buwan na."

"Graduating na kasi tayo kaya ganon. Isipin mo nalang na mas mahirap sa college kaya enjoy-in mo nalang."

"Sabagay. Uy sige na, eto na room ko. Dalaw ako kapag may time ako."

"Sige. Goodluck." Sabi niya. Ngumiti lang ako at pumasok na.

Umupo na ako sa upuan ko, which is sa tabi ng pader. Tigdadalawa yung upuan namin sa room at since Yoo ang apelyido ko, sa likod ako nakaupo. Okay lang naman kasi elevated naman yung pwesto namin kaya kita ko pa rin yung unahan. Wala na akong katabi kasi 39 lang kami sa room. 19 na boys at 20 na girls—ako kasi yung pang-20

"Pst!" Narinig kong may sumitsit sa'kin. Paglingon ko, si Maggie. Hindi pala kaming magkakaklase na magkakaibigan. Sina Jenna, Lyka, Maggie, Ayhessa, Gabby at ako ang magkakaklase. Sina Dana, Joyce, Pat, Faye at Ariane naman ang magkakaklase—hindi kasi kami block section.

Since alphabetical order kami, si Maggie ang pinakamalapit sa pwesto ko.

"Wae?"

"May bago raw tayong kaklase."

Nahinto ako sa sinabi ni Maggie. Could it be?

"Sino raw?"

"Di ko alam eh."

Natigil kami sa pag-uusap nang dumating yung prof namin, kasama si...

"Baejin!" Excited na sabi nila Maggie.

Kayo lang excited, ako hindi

❝ anime ❞ ➳ b.jyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon