Rina
Nanonood ako ng Hataraku Saibou nang biglang may mag-doorbell. Lumabas ako ng bahay at sinilip kung sino yung nasa gate
"Baejin?"
"Sorry na." Sabi niya habang nakatayo. Pinagmasdan ko siya at nakapambahay lang siya
"Bakit ka andito?" I asked
"Galit ka kasi sa'kin. Kanina pa kita china-chat kaso offline ka. Kaya eto, pinuntahan kita. Sorry wala akong dalang chocolates o flowers, nagmadali kasi ako papunta dito."
And in that moment, I knew.
Bae Jinyoung may gusto na nga ako sa'yo
"Bakit flowers? Chocolates? Para saan?"
"Para suyuin ka."
"Baejin, di ako ganong klase ng babae. A simple sincere sorry can already make my heart melt."
"I'm sorry talaga sa nagawa ko. Kahit di ko alam kung ano yon kaya please enlighten me."
"Enlighten? Gusto mo malaman kung bakit ako nagalit?"
Mabilis siyang tumango
"I wanted to talk to you, pero nagpaalam ka na manonood ka ng Anime. Ni hindi mo ako tinanong kung okay lang ba sa'kin. I mean, ang babaw ko pero kasi gusto lang naman kita kausap." Sabi ko at yumuko
NAHIHIYA AKO!
Nagulat nalang ako nang maramdaman kong niyakap ako ni Baejin
"Di mo ba alam kung ga'no ka ka-cute?"
"Heh!"
"Sorry na. Sige next time, magpapaalam muna ako sayo."
"Ewan sa'yo." Sabi ko sabay kalas sa yakap
Natawa siya, "May kasama ka?" Tanong niya habang sinisilio yung bahay namin
"Bakit mo tinatanong?"
"Movie marathon tayo."
"Magmovie-marathon ka mag-isa." Sabi ko sabay irap at pumasok na sa loob ng bahay. Narinig kong sinara niya yung gate at sumunod sa'kin
"Jagiiiiiii."
Baejin, marupok ako huhu
"Jagi?" Halos mapatalon ako nang marinig kong magsalita si Kuya sa may hagdan
"Kuya." Sabi ko
Nagbow si Baejin, "Hi Kihyun-hyung."
"Kayo na ba?" Bigla niyang tanong
"Hindi!" Sagot ko
"Pero papunta na po do'n hehe."
Sinamaan ko ng tingin si Baejin
"Aalis muna ako, kayo muna maiwan dito." Sabi ni Kuya sabay alis. Pero bago umalis, ngumisi muna siya sa'kin
Ughh lakas talaga mambwisit
BINABASA MO ANG
❝ anime ❞ ➳ b.jy
Historia Corta↝ ❝ i love anime, but i love you more ❞ ↜ ↭ epistolary & narration ↭ wanna one series # 6 ↭ date started (06/24/18) ↭ date completed (07/14/18 ) highest ranking achieved: #1 in jinyoung (09.09.18) #5 in wannaone (11.26.18)