25

811 47 10
                                    

Rina

Wednesday na ngayon at dalawang araw nang hindi pumapasok si Baejin.

Sana pumasok na siya para makapag-sorry na ako. Ayaw ako patahimikin ng konsensya ko eh.

Naglelecture na yung prof namin sa unang subject nang biglang may kumatok at pumasok sa room.

"Ma'am sorry po I'm late." Sabi ni Baejin. Sinenyasan lang siya nung prof namin na umupo na.

Pagkaupo niya dito sa tabi ko, di niya ako pinapansin. Hindi tulad dati na halos segu-segundo kinakausap ako.

Lalo tuloy akong 'di napirmi.

"Uhm, Baejin." Mahinang tawag ko sa kanya. Tumingin lang siya ng seryoso sa'kin

"Sorry. Sorry sa nasabi ko nung nakaraan." Sabi ko. Tumango lang siya.

Habang nagtuturo yung prof namin, di ako makapakinig. Sobrang nakokonsensya kasi talaga ako sa nasabi ko kay Baejin.

Ayoko kasi talaga maging harsh, kaso di ko napigilan sarili ko nung nakaraan.

"Baejin sorry talaga."

Napabuntong-hininga siya, "Okay nga lang."

"Eh parang di okay eh."

"Okay lang, Rina."

Rina

"Hindi. Hindi okay."

"Ang kulet naman eh."

"Sige. Treat nalang kita sa coffee shop mamaya."

"Seryoso ba yan?" Seryosong tanong niya

Dali-dali akong tumango, "Kahit saan mo gusto. Sorry talaga."

"Okay nga lang yon pero dahil makulit ka, sige na."

"Peace na tayo?" Tanong ko

"Yup."

Aaaaahhhh finally makakatulog na ako ng maayos mamaya.

❝ anime ❞ ➳ b.jyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon