"HOY MR. ZAPANTA! ANO?! MATUTULOG NA LANG BA TAYO BUONG ARAW? AYUSIN MO NGA IYANG TRABAHO MO AT PARA NAMAN DI MASAYANG YANG SAHOD KO SA YO! PUT*NG INA KA!"
Napadilat ako ng marinig ko ang ratrat ng may ari ng club na pinagtatrabahuan ko. Tiningnan ko agad siya ng masama habang ako'y tumatayo at dumiretso sa counter.
Bwesit na matanda! Akala mo naman ang taas ng pasahod niya dito sa pipitsuging club niya! Eh kung di ko lang talaga kailangan ng pera, matagal ko na tong sinunog.
"Pinagalitan ka na naman ba?" Tanong sakin ni Roderick, ang bartender sa club na 'to
Tinanguan ko lamang siya at dumiretso na sa isang lamesa dala dala ang tray ng hard liquors.
Nakisiksik ako sa mga taong nagsasayawan sa dance floor marating lang ang table na hahatiran ko ng mga inumin. Naghahalo na ang amoy ng pawis at usok ng sigarilyo dito sa loob. Idagdag pa ang mga tao na parang mga hayop na ngayon lang pinalaya sa kwadra. Tsk. Party Animals.
Papalapit na sana ako sa table na hahatiran ko ng nahagip ang braso ko ng isang lalaking pasuray suray maglakad dahil sa kalasingan, dahilan ng pagkawala ko ng balanse at pagkahulog ng tray na naglalaman ng drinks.
"What the f-
Napapikit na lang ako sa inis habang tinitingnan ang mga nabasag na baso. Nakakainis! Ngayon pa lang naririnig ko na ang pagmumura ni Tanda. Tsk.
"ZAPANTA!" Sigaw ni Tanda ng makapasok ako sa kitchen ng club
Hays!
"ANO NA NAMAN BANG KAPALPAKAN ITO?!" Patuloy na sigaw ni Tanda.
Nakakarindi talaga ang boses ng matandang to! Parang babae kung maka ratrat! Tng*na
"Nasagi lang nung lasing ang braso ko boss" paliwanag ko kahit na alam ko namang di ito tatanggapin ng huklubang 'to
"AYAN KA NA NAMAN SA MGA DAHILAN MO! ANG SABIHIN MO, LALAMPA LAMPA KA NA NAMAN! BWESIT KANG BATA KA! PALAGI KA NA LANG PALPAK!" Pinanlakihan pa niya ako ng mata sabay duro, akala ata madadala niya ako sa ganyan.
Napalingon samin ang mga abalang kitchen staff na nasa loob, nakuha ata ang atensyon nila sa putak ni Tanda. Tsk.
I just stared at him, emotionless. God, what will I do to make him shut his filthy rotten mouth?
"ALAM MO BA NA KULANG PA YANG SWELDO MO SA MGA NABASAG MO?! DI KA BA NAG IISIP PUT*NGIN*NG BWES*T KA?!"
Ahhh alam ko na!
Patay ka sakin mamaya tanda ka. I just smirked at my idea. Tingnan natin kung di kita mapapatahimik sa gagawin ko sayo.
"NAKIKINIG KA BA SAKIN HA?! BOBO KA TALAGA! LUMAYAS KA NGA SA HARAPAN KO! NAKAKABWESIT KANG GONGGONG KA!" dagdag pa ng huklubang mabaho ang hininga.
Sige lang tanda. Pagalitan mo pa ako. Mamaya ka sakin.
------
Napatingin ako sa labas, umuulan na naman. Parang may bagyo pa ata.
"Hays! Mababasa na naman tayo nito! Wala pa naman akong payong!" Narinig kong reklamo ng kasamahan kong babae.
"Di ka pa ba uuwi Ry?" Sabay akbay sakin ni Roderick
I smiled and shook my head.
Di pa. May gagawin pa ako eh.
"Una na lang ako baka maabutan pa ako ng ulan. Sige pare."
Tumango na lang ako bilang tugon.
Hinintay ko pang umalis sila lahat bago ako tumulak sa likod ng club kung sa'n andun yung locker room namin para magpalit ng hoodie at kunin ang helmet ng motorbike ko.