Chapter 4

15 0 0
                                    


I don't know what to do anymore.

Parang di ko na kilala si Mommy. Hindi niya ugaling uminom pero ngayon, gabi gabi na siyang naglalasing at nagyoyosi. Alalang alala na ako dahil hindi siya kumakain at hindi rin siya lumalabas ng kwarto. Palagi lang siyang umiiyak at tinatawag ang pangalan ni Daddy.

She's so devastated. So wrecked.

One time, hindi ko na napigilang pumunta sa opisina ni Daddy. He has to know about Mommy. Kailangan niyang malaman kung gaano ka gulo ang Mommy ko ngayon dahil sa pang iiwan niya. I wanna hear his reason kung bakit niya sinasaktan ang Mommy ko, I will accept him again kahit na ayaw ko sa kanya. I will accept him for the sake of my Mom.

Dirediretso lang ako papasok sa kompanya na pag aari ng pamilya namin. Binati pa ako ng gwardya at ng mga empleyado pero I ignored them all. This is not the time to be polite. I have to talk to my father.

"Where's my dad?"

Tanong ko sa babaeng nasa lamesa malapit sa pintuan ng office ni dad.

Must be his Secretary.

"He's currently in a meeting. Busy siya for the past few months and I supposed that he will be busy for the following weeks." Taas kilayng sagot ng babae.

I eyed her, head to toe.

I don't care if she'll find my stares insulting. Wala akong alam sa isyu nila daddy at mommy. But I am not dumb. Alam kong itong babae na ito ay isa sa mga rason kung bakit nagkaganito ang pamilya ko.

"Call him now and tell him that his SON wants to talk to him about my MOTHER, his WIFE." Mariin kong sabi.

She raised her brows once more and laugh mockingly.

"Oohh your MOTHER? your Dad's WIFE?hmm."

I just stared at her. Sa bigat ng titig ko sa kanya , ewan ko na lang kung di niya pa ramdam ang pagkamuhi ko sa kanya.

I waited for hours just to talk to him. Lumiban pa ako sa klase ko para lang makausap siya. I want to clarify things for me and for my mom.

Pero walang dumating. Tinawagan niya lang ako para sabihing busy siya at wala siyang oras sa kadramahan ni Mommy. Sinabi niya ring wag na siyang puntahan pa dahil wala na siyang obligasyon sa amin.

Talaga Dad? You told me those things over the phone? Are you even a man?

Walang paninindigan.

Mas lalo pang uminit ang ulo ko when I saw his secretary smirking at me na para bang alam niya kung bakit wala ng pakialam samin ang magaling kong ama.

Nagpatuloy sa paglalasing si Mommy until one day I received a call from the neighborhood telling me to come at the nearest hospital.

From then, kinutuban na ako.

Anong nangyari kay Mommy?

Nagkukumahog akong pumunta sa ospital. Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Andaming tanong sa aking isipan habang tumatakbo patungong emergency room.

Lord, kung totoo ka man, please let my mother live. Please wag niyo po siyang pababayaan. Alam kong di ako lumalapit sa inyo pero please po, Let my mother live. I can't live without her. Di ko alam anong gagawin ko at kung anong magagawa ko pag may nangyaring masama kay Mommy. Please. Hear me.

I don't remember praying like this in my entire life. Ngayon lang ako lumapit sa Kanya. Kung totoo ang sabi ng iba na andyan Siya, hindi Niya hahayaang may mangyaring masama sa nanay ko, hindi Niya pababayaan ang mommy ko.

But all my hopes are crashed down when I saw my mother, cold and lifeless.

"Maraming dugo ang nawala sa kanya dahil sa sugat sa kanyang pulso. She has depression for weeks and we find out that she's been overdosed with sleeping pills. I'm sorry Mr. Zapanta, we did everything we can but she didn't make it."

Napaupo ako sa sahig dahil sa narinig.

No. This is not true. This is just a dream, a nightmare.

Hindi totoo na patay na si Mommy.

Hindi!

Hindi!

"Mommy gumising ka! Mommy! Wake up! Wag mo naman akong iwan oh! Promise I will bring daddy back wag ka lang ganito. Please Mommy! Please! Ikaw na lang ang meron ako! Mommy!" Umiiyak kong sabi habang niyayakap ang malamig na bangkay ng aking ina hoping she will hold my hand and hushed me.

Pero hindi iyon nangyari.

Paano na ako ngayon?

How will I start again? Makakapag simula pa ba ako? Gayong wala na sa tabi ko ang rason kung bakit ako patuloy na lumalaban?

Ilang oras pa akong nakatulala hawak hawak ang malamig na kamay ni mommy. Hanggang sa napagpasyahan kong tumayo. Inayos ang duguang suot at dumiretso sa labas para pumara ng taxi.



Ryker Zapanta : Obsessed PleasureWhere stories live. Discover now