Nikka's POV
"Uniform? Check✅"
"I.D? Check✅"
"Buhok ko? Sa tingin ko naman okay ang pagkakapusod kaya check na rin!✅"
Pinagmasdan ko pa ang repleksyon ko sa salamin mula ulo hanggang paa, sinusuri ko kung ano pa ba ang kulang
Ay! Oo nga pala, sabay napahawak ako sa noo, naalala ko eye glasses ko pa pala. Hinila ko ang isang drawer kung saan ko tinago yung eyewear box
Pagkakuha ko, pinunasan ko muna saglit ng maliit na tela at pagkatapos saka ko sinuot ang eye glasses
Kung iniisip nyo isa akong nerd? Siguro nga ganon ako i-describe nila, hindi lang sa pagiging nerd ako napapansin nila pati narin sa pananamit at ayos ng kasuotan ko
Tawag sa akin Nerd/Slash/Manang or di kaya Gorang..
Nevermind nalang ang peg ko sa kanila kasi dito na ako naging komportable. Kahit pa marami na ang nauuso sa panahong ngayon. Wala sa isip ko rin ang ganyang bagay lalo pa't mahirap kami
Focus ako sa goal ko na maging proud si inay sa akin. Lalo na ngayon papasok na ako sa isang sikat at mamahaling unibersidad at ito ay.. Legrand University
Nanumbalik sa alaala ko kung paano ko nakuha ang full scholarship mula kay ma'am linares
*Flashback*
"Anak, gusto raw tayo maka-usap ngayon ni ma'am linares sa opisina niya" napatigil ako sa paghihiwa ng mga gulay ng magsalita si inay
"Bakit daw po nay? Tungkol saan kaya?" Pagtatakang tanong ko kay inay
"Kahit ako rin anak.. Hindi ko alam" takang pag-alalang sagot ni inay
"Nay, pwede po ba susunod nalang ako? Tapusin ko lang maghiwa sa repolyo" paalam ko
"Sige anak" tumango si inay
Nauna na si inay sa opisina ni ma'am linares, habang ako binilisan ang pagkilos para makasunod agad, mabilis ko rin natapos kaya madaling-madali na ako lumakad papunta sa opisina ni ma'am
Si ma'am linares pala ang amo namin ni inay dito sa mansyon. Kami ni inay ay namamasukan bilang kasambahay. Noong una si inay lang ang nagtatrabaho kay ma'am
That time, ako ang nag-aalaga kay lola dahil sa stroke niya. Ilang araw after ng graduation ko pumanaw si lola sa edad na 82 years old
Naging malungkot para sa amin ni inay ang pagkawala niya. Taon ang tiniis ni lola dahil sa stroke
Panahong walang-wala kami ni inay para sa pagpapalibing kay lola ay si ma'am linares na ang sumagot sa lahat ng mga gastusin
Talagang wala na ako masasabi pa sa kabutihan ni ma'am linares pati sa mansyon niya ay pinatira kaming dalawa ni inay, kaya pagdating sa gawaing bahay ay tumutulong na ako para hindi mahirapan pa si inay
Sa edad na 62, si ma'am linares ay isa ng byuda pero may isang anak na lalaki kaso may sariling na 'tong pamilya na nakatira sa ibang bansa
Dito na ako sa tapat ng pintuan kaya sinimulan ko ng kumatok sa pinto sabay ipinihit ang door knob
Humakbang ako papasok sa malaking kwarto. Unang nakita ng mata ko si inay pero bakit parang yata masaya siya?
Anyare? Anong meron? Na-curious tuloy ako bigla
BINABASA MO ANG
The Missing Piece of Heart
Teen FictionPaano kung isang araw ang taong mahal mo ay habang buhay mo ng hindi makikita at makakapiling Sa lumipas na panahon, may natuklasan ka na may kakambal pala siya Kaya mo bang magpanggap na hindi mo alam? Ang alam lang ng isip mo ay protektahan siya...