Chapter 3: Discovery

116 3 0
                                    

Nikka's POV


"Miss.. Are you okey?.."

Napatulala ako sa taong may-ari ng kamay na nakatayo ngayon sa harapan ko

"Give me your hand. I'll help you to get up" nakangiti niyang alok

Kahit medyo tulala parin ako sa kanya ay inabot ko parin ang isang kamay ko. Hinawakan niya at pwersahang hinila ako paangat

"S-salamat.." Medyo nahihiya ko pang sabi

"Your welcome.." Lalo pa ako na star struck ng ngumiti pa siya

Ang ganda naman niya kasi.. Maputi, makinis at balingkinitan ang katawan. Nakakatomboy tuloy hehehe
Panigurado anak mayaman siya

Napansin ko na nagsisialisan na yung mga babae at bumabalik na sa kanilang pwesto. Hala! Maalala ko yung sa kotse? Nilingon ko kung asan na banda pero mukhang huli na pala ako kasi nakalagpas na sila..

Sayang naman at hindi ko nakita ang mukha nila. Likod nalamang ang nakita ko, naglalakad sila papasok ng hallway at medyo malayo na silang dalawa


"Miss" tawag ko sa babae na tumulong sa akin kanina

Aakto na sana siyang aalis pero pinigilan ko. Gusto ko magtanong sa kanya for sure baka may alam siya dito sa Legrand University

"Beatriz Choi, that's my name or if you want call me Bea for short nalang" nakangiti nyang pakilala

"Hi.. Ako naman si Nikka Montez, sorry bago palang kasi ako rito na student. May itatanong lang ako"

"Yeah Sure.. what's that?"

"Yung kanina na dalawang lalaki na dumaan rito.. Sino sila? Mga celebrity ba sila?" Diretsong tanong ko kay bea pero imbes na sagutin niya ako. Tawa ang naging reaksyon niya. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Hahaha nope! They are not just a celebrity but it's more than kung ituring sila dito sa L.U"

Huh?.. Kung ganon ano sila? Mga anak ng presidente sa ibang bansa o baka naman ma-impluwensyang tao sila? Hindi naman sila pagkakagulohan kung wala silang matataas na istado sa buhay diba?

"They're cousins.. The one guy who wore black his name is Nickolo Fuentes lider siya ng isang kilalang gang tinatawag nila ito na TUG"

Luh? Gangster?

Diba sila yung mga laging nakikipagbugbugan o laging nadadawit sa mga gulo? Grabe! Katakot naman pala siya pero gangster rin kaya yung isa niyang pinsan?

Sa palagay ko mukhang hindi naman, feel ko mabait siya pero di ako sure.. Sandali lang? Ano pala ibig sabihin ng TUG?

"Bea, ano yung ibig sabihin ng TUG?" tanong ko

"TUG stands for The Ultimate Gang that's the name of their group" Ah.. Yon pala..

Nabigla ako kay bea ng dumikit siya sa akin, pagkatapos mayroon siyang binulong sa tenga ko

"Sasabihin ko na sayo 'to na mag i-ingat ka sa TUG because.. Sila ang ma-impluwensyang grupo rito sa L.U maraming iba na grupo ang pinataob at winasak nila at never pa nakatalo sa kanila. Marami ang takot sa kanila at walang gustong kalabanin sila. Kaya if I were you iwasan mo ang isa sa mga 12 members ng TUG"

Napalunok ako, parang nakakakilabot yung huling sinabi ni bea. Nagsitaasan tuloy ang mga balahibo ko. Hindi ko ma-imagine kung masangga mo talaga yung miyembro ng TUG

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Missing Piece of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon