Elli's POV
Nagmamadali akong bumaba ng aming hagdan OMGEEEE! 4:30pm naaa! It's saturday and ngayon yung activity namin gaganapin sa Mystique Forest at pag hindi ako magmamadali male-late ako at majojombag ako ni Ms. Reyes!
"Ughhh!" Inis akong sumakay sa kotse at mabilis na nag-drive patungo sa venue.4:50pm ng makarating ako sa venue at lahat sila ay naka pwesto na sa entrance ng Forest at ready na sa aming activity.
Nakita ko si Avianna na palingon lingon na tila may hinahanap, agad ko syang tinawag.
"AVIEEEE! Im here!" Sigaw ko.
"Halika na dito! Magsastart na!"
Agad agad akong tumakbo patungo sakanyang pinepwestuhan."Bat naman ang tagal mo! Kung ano ano ng dinahilan ko kay Ms. Reyes kung bakit di ka pa rin makadating!" Inis na sabi nya sakin.
"Hehe sorry na! Eh kasi nahook ako kakanood ng movie sa netflix eh!" Sabay peace sign ko skanya.
"Puro ka netflix! O sya! Tara naaaa!"
Pumwesto kami ng ayos at nakinig sa mga sasabihin ni Ms. Reyes."Okay students! Ang kailangan nyo lang gawin ay hanapin ang plastic eggs at sa loob nun ay may mga clue at may mga bagay na maari nyong gamitin upang makarating sa dulo ng forest kung saan makukuha nyo ang papel na naglalaman ng +10 average grade na ilalagay sa inyong card"
"WOAHHHHH!!" sagot namig magkakaklase. Malaking tulong na din yun para sa mga naghahabol ng grades.
"Yep! Kaya students galingan niyo! Lalo nung yung mga grades ay alanganin! Kailangan niyo to!
1hr. Lang kayo sa loob nyan kaya pag narinig niyo ang malakas na bell! Ibig sabihin times up! Intendes?!""YES MA'AM" korus naming magkakaklase.
"START NOW!!!"
Sigaw ng isa naming prof.Lahat kami ay dali daling tumakbo sa forest at naghanap ng mga sinabi ni ma'am, marami na kaming nakita na nakahanap ng eggs na nakatulong sakanila upang makalampas sa sunod na level, at meron din namang iba pa na tila hirap na hirap at inis na inis na kakahanap ng mga itlog na yun.
"Ughhh! Asan naba yon?!" Inis na sabi ni Aviee.
"Andyan lang yun sa tabi tabi". Sagot ko naman.
Mahigit 20 mins. Na kaming naghahanap ni aviee kasama ang ibang studyante ng may makita akong kulay pink na plastic egg na natatakluban ng halaman."Aviee! Dito!" Dali dali naming binuksan ang egg at binasa ang nakalagay dito.
Dumaan sa kanang bahagi ng gubat at doon mahahanap ang bagay na makakatulong sa inyo upang mabilis kayong matapos at makuha ang goal.
Goodluck.
"Lets Go!" Tatakbo na sana ako ng kumapit si Aviee sa braso ko.
"Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Ihing ihi na kasi ako girl! Susunod na lang ako after kong magbanyo" sabi nya habang halatang halata na pinipigilan na maihi sakanyang pwesto.
"Ganun ba? Osige mauuna na akong maghanap sa susunod na eggs, bilisan mo ah!"
"Okayyy!" Mabilis na umalis si avieee at agad naman akong tumakbo patungo sa kanang bahagi ng gubat."Eggs, eggs, san naman kaya kayo ngayon nakatago?" Dali dali akong naghanap upang mabilis kaming makatapos.
Mga ilang minuto nandin at di pa nabalik si aviee . Mukang nilamon na yun ng kubeta ah! Peace! Joke lang po!"Gotchaaa!" Masayang sigaw ko ng makita ko ang kulay asul na itlog na nakatago sa paanan ng isang puno. Akmang bubuksan kona ito ng biglang may mahagip ang aking mata sa di kalayuan sa tabi ng mga naglalakihang puno, may isang nakalutang na taong nakaitim na nakasuot ng itim na cloak na may hawak na putik pusa sakanyang kaliwang kamay at isang matulis na bagay sa kanang kamay kung saan nakatusok sa bandang dibdib ng kaawa awang pusa. Dahan dahan syang lumingon sa aking pwesto at ngumisi sakin. Agad akong nakaramdam ng matinding takot.
"S-sino ka? Anong ginagawa mo d-dito?" Nanginginig kong tanong sa lalaking nakaitim.
Lumaki ang kanyang pagkakangisi na lalong nakapagpanindik sakin.
"Nakikita moko binibini? Nakakahanga para sa tulad mong mortal. At dahil sayong makasalanang mata. Kailangan mong mamatay!"
Sabi nito sa isang malalim na boses, habang itinaas nya ang kanyang mga kamay. Agad lumaki ang aking mga mata bago tumayo , kahit ramdam ko ang panginginig ng aking mga binti tumingin ako sa paligid at nalamang ako na lamang pala ang nandidito."N-nasaan sila!" Sigaw ko. Agad na tumawa sa nakakatakot na himig ang lalaking nakaitim.
"Wala ka nang kawala binibini."
Huli nyang sabi bago ito tumakbo ng mabilis sa aking direksyon, wala akong sinayang na oras at agad na tumakbo palayo sa nakakatakot na elementong yon. Sa aking pagtakbo ramdam ko ang mga luhang umaagos patungo sa aking mga pisngi. Ito na ba ang katapusan ko?Sa sobrang takot ko diko namalayan na nabasag na sa kamay ko ang plastic egg na nahanap ko kanina, habang tumatakbo ay kinuha ko ang nasa loob nun, isang swiss knife ngunit ng dahil sa panginginig ng aking kamay dumulas ito at lumikha ng 3inches na sugat sa aking kamay, pero mabilis ko din itong nakuha sa pagkakadulas.
Agad akong tumigil at sinalubong ang lalaking mabilis na umaabante patungo sakin , at hinarap sakanya ang swiss knife, ngunit tawa lamang ang ganti nya sakin bago sya magsalita."Yan lamang ba ang kaya mo binibini?!" Sabay tawa nya na nagdala ng kilabot at panginginig saaking kalamnan.
"Pleaseeee! Wag kang lumapit!" Takot na sabi ko habang nanginginig ang kamay kong may swiss knife na nakatutok skanya.
"PAALAM WALANG KWENTANG MORTAL!"
Sigaw nya bago muling sumugod saakin. Wala akong nagawa kundi ipigil ang kamay ko na alam ko namang di sya kayang pigilan.Author's POV
"AHHHHHH!!!!
Huling sigaw ni Elli bago sya mawalan ng malay. Lingid sakanyang kaalaman ay napatay nya ang lalaking sumugod sakanya nung oras na itinaas nya ang kanyang mga kamay na naglabas ng asul na liwanag patungo sa lalaking nakaitim na sumugod sakanya na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Elli's POV
Agad akong napabalikwas sa aking kama at hingal na tinignan aking kapaligiran.
Panaginip isang panaginip!
Biglang pumasok si Mama Laura mula sa aking pintuan na may dala dalang tray na may lamang tinapay, tubig at gamot? Bakit may gamot?
"Oh anak! Gising kana pala, kamusta ang pakiramdam mo?" Bungad ni mama.
"Ayos lang po ma, ano po bang nangyari? At bakit po may dala kayong gamot?"
Takang tanong ko sakanya bago muling tiningnan ang tray na bitbit nya.
" ahh, di mo pala maalala, anak hinimatay ka, natagpuan kang walang malay sa may gubat at may sugat sa noo at kamay" gulat akong napahawak sa aking noo. Ano ba talagang nangyari?
"Gagamutin natin yan anak, wag kang magalala"
Sasagot na sana ako ng makaramdam ako ng matinding sakit sa aking batok."UGHH!!! MAA!! ANG SAKIT MAAAA!!"
Daing ko habang impit na sumisigaw sa sakit.
"Anak anong nangyayari?! Saan masakit! Anak!"
Nagaalalang tanong ni mama.
"S-sa ugh!! Sa b-batok ma!"
Agad na hinawi ni mama ang aking buhok at hinawakan ang aking batok, ngunit bigla syang napaatras at napaaray sa sakit."Ahhh!" Sigaw ni mama.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si papa ng may pagaalalang mukha.
"Laura! Anong nangyayari dito?! Anak?!"Patuloy akong sumisigaw sa sakit habang inaalalayan ni papa si mama na tumayo.
Lumapit sakin si papa at nilagay ang kanyang palad sa tapat ng aking mga mata at nagsalita."Somnum" ang huling katagang narinig ko kay papa bago ako lamunin ng antok.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
That's it for chapter 2! Haha I dont know kung succesful sya, sorry yan lang po nakayanan ko, begginner po ih! Wag po kayong magalala pagsisikapan kopo to!SOMNUM - SLEEP
Thanks sa mga nagbasa at magbabasa palang.
Ate Is.
BINABASA MO ANG
The Crest Princess 👑
FantasyThe War has been started. The Queen will bear a Child, Darks will search and kill her, but she will be raise at the Mortal World, On her 18th birthday, she will be back to the world she belongs Dark will rise and initiate a War Princess will end it...