Elli's POVHimbing na himbing ako sa pagtulog ng maramdaman kong parang may nagbasa ng pisngi ko and guess what?! Di sya tubig ang lagkit nya eww!
Agad akong napamulat at sa pagbukas ng aking mata isang napakagandang likha ng Dios ang aking nakita.
"Arff! Arff!"
"Wahhhh! Ang cute cute mo!!!!" Sabi ko at gigil na niyakap sya.
"Arffffff..." tahol nya na parang nahihirapan.
"Oopss! Sorryyy! So anong name mo cutiepie? Hmmmm let me see" sabi ko habang inayos sya ng upo at tiningnan ang kanyang kwintas na may circle pendant sa gitna at may nakapangalan na,"Ly?" Pagbasa ko sa pangalan nya.
"Ang iksi ng pangalan mo! Tamad na tamad bang magpangalan sayo ang amo mo? Hmmm" sabi ko habang tinitingnan sya at sinusuri ang kanyang itsura, meron syang brown na balahibo na parang kulay luya parang light na dark brown hehe and may touch ng white sa gitnang part din."GINGERLY! Tama mas cute yung name na yun diba?" Magiliw kong sabi.
"ARFF! ARFF!" Tahol nya na parang sumasang-ayon.Napatingin ako sa paligid at hindi ko naiwasang hindi mamangha.
"WOW! This is magical"
Napakaganda ng gubat na ito may iisang kulay ng dahon ang mga puno ito ay kulay kahel, at may maliliit na kulay puting nagliliparang bagay para silang orbs.
Tumayo ako at pinagpagan ang aking sarili."Gingerli, alam mo ba kung san ang Crest City dito?" Yun ang kasi ang lugar na nakalagay sa ibabang parte ng papel na sinulatan ni Mama nung mga salitang binanggit ko upang bumukas yung lagusan papunta dito. Magic that's the first thing that comes to my mind. Di ako makapaniwala sa nangyari at hanggang ngayon hindi nagsisink sa utak ko kung ano ba talagang problema, may sikreto ba sila mama at papa? Anong nangyari skanila?
May maliliit na butil ng luha ang pumatak sa mata ko
"Arrf!" At dinilaan ni gingerli ang mga paa ko.
" ahh sorry, andyan ka nga pala, so ano? Alam mo ba kung saan ang Crest City? Masasamahan mo ba ako?" Ngiti ko sakanya na akala mo naiintindihan nya talaga ako."ARFF! ARFF!!" Masiglang sagot nya at agad na tumakbo
"Wait pang Gingerly! Hintayin moko!" Sigaw ko at tumakbo upang sundan ang munting aso.
Napagod na kaming tumakbo at naglakad na lamang habang patuloy na sinusundan ko sya kahit na walang kasiguraduhan na dadalhin nya nga ako sa lugar na yon.
"Gingerly? Malayo pa ba? Pagod na pagod na ako eh" matamlay na sabi ko at sumalampak sa sahig.
Saglit na tumigil si Gingerly at tiningnan ako , pagkatapos ay nilapitan nya ako at kinagat ang laylayan suot kong pajama."Rrrrr! Arff! Arff!" Ngitngit nya habang kagat pa din ang pajama ko at patuloy sa paghila na animo'y pinapatayo na ako.
"Ugh! Gingerly taympers muna! Pagod nako eh" daing ko. Pero di sya tumigil kaya sa huli tumayo na ako.
"Hayss! Tara na nga ang kulit mo eh!" Kinawag kawag naman ni Gingerly ang buntot nya na tila natutuwa dahil nagtagumpay syang mapatayo ako.Muli kaming naglakad at at wala pang sampung segundo may nakita ako sa dulo nito na tila isang pader ng kumpol kumpol na bulaklak na may ibat ibang kulay .
"Ang GANDA!" Manghang sabi ko.
"Arrf! Arff!" Ming tahol ni Gi gerly at tumakbo palapit sa pader ng mga bulaklak at sumiksik doon."Hala Gingerly! San ka pupunta!" Sigaw ko at sinundan sya.
Sa paghawi ng kamay ko sa pader ng mga bulaklak ay may liwanag na sumalubong sa akin kaya inaddjust ko muna ang aking paningin.
Unti unti kongg naaninag aming nasa harapan nasa maliit kaming burol at tanaw na tanaw ko ang isang malawak na lugar . Sa gitnang parte ay makikita ang makukulay na bahagi ng bayan parang isa itong amusement park, at sa kaliwang bahagi nito ay ang brown old style houses at sa bandang mataas na lugar ay isang napakaganda at napakalaking kulay puti na may touch of gold na palasyo,"WOW!"manghang sabi ko.
Napatingin ako sa kanang bahagi ng lugar at doon ko naman nakita ang malalaking bahay na wari ko ay mayayaman ang nakatira at sa bandang taas naman nito ay isang Goldish with touch of red na isa ring palasyo.
"Grabe!!! Ito na ba yung Crest City na sinasabi ni mama?" tanong ko sa sarili ko.
"ARFF! ARFF!" Sagot naman ni Gingerly.
Natawa na lamang ako.
Nagpalipas muna kami ng oras ni Gingerly sa burol at umupo sa nasa tabing puno nito. Napatingin ako sa kaliwang bahagi ko at naalala na may dala akong antique box na galing sa ilalim ng kama ko at yung envelope na iniwan ni Mama sa kama ko.
Kinuha ko ang envelope at muling binuksan ito.
Diko maiwasang hindi mamangha sa itsura ng invitation na ito, sa pagbukas ko ng invitation ay muling sinalubong ng saglit na liwanag ang aking mga mata at doon ko nakita ang mga katagang nakasulat at binasa.
Ms, Willows,Prepare your'self and
Unleash your Power because
You are chosen to be part of
The Crest Academy.
Where Magic happens!CA.
At parang bula itong nawala sa papel na kinalalagyan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Parang ewan lang yung invitation HAHAHASorry late hehe
Ate Is.
BINABASA MO ANG
The Crest Princess 👑
FantasyThe War has been started. The Queen will bear a Child, Darks will search and kill her, but she will be raise at the Mortal World, On her 18th birthday, she will be back to the world she belongs Dark will rise and initiate a War Princess will end it...