Chapter 1

1 0 0
                                        

Charlotte's POV

Bago ang lahat, ako nga pala ang ina ni Cheyanne at asawa ni Niccolo.

Kabababa lang namin ng sasakyan nang salubungin kami ni Sister Anna.

"Magandang umaga Charlotte at Niccolo. Maligayang pagbabalik sa Little Children's Orphanage"

"Good Morning Sister Anna. It's good to be back. Asan na ang mga bata?"

"Andoon na sila sa loob, naghihintay sa inyo. Eto na ba yung anak niyo na ang liit-liit pa noon?"

"Ay opo sister. Siya na po yan. Malaki na ang batang to"

"Good morning po Sister Anna. Ako po si Cheyanne"

"Napakaganda naman ng batang ito. Alam mo nung una na pumunta ka dito iha, ang liit mo pa. Hindi mo nga kami pinapansin kasi natatakot ka sa amin. Nandoon ka lang sa isang sulok, nakaupo at nanonood sa mga magulang mo habang nagbibigay sila ng tulong"

"Sorry po Sister. Hindi ko pa po kasi alam na yun pala yung ginagawa nila Mom dito at hindi po kasi ako marunong makihalo-bilo sa mga tao noon"

"Okay lang iha. Importante, marunong ka nang makisalamuha ngayon. Nararamdaman ko ikaw ang magpapatuloy ng pagtutulong na ito sa hinaharap. Tara na at pumasok na tayo sa loob"

"Sige po sister."

Habang pumapasok sila ay narinig nila ang mga batang kumakanta.

Ang awiting ito'y para sa iyo
At kung maubos ang tinig di magsisisi
Dahil iyong nairinig mula sa labi ko
Salamat, salamat ahh ahhh.

"Maligayang pagdating pamilya Morissey"

"Naku, ang mga batang ito talaga. Nag-abala pa kayo. Kayo ang sosorpresahin namin pero kami pala ang nasorpresa."

"Eto nga pala ang regalo namin para sa inyo. Mayroong damit, pagkain at laruan"

"Nagpagawa na rin kami Sister ng blackboard nila para in case may mga teachers na pumunta dito, matuturuan sila."

"May books din po pala dito Sister. Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko at nagbigay naman sila para makatulong din"

"Maraming Salamat Charlotte, Niccolo at Cheyanne. Hindi niyo alam paano niyo kami napasaya. Nawa'y pagpalain kayo ng Poong Maykapal"

"Walang anuman po Sister. Para sa mga bata."

Cheyanne's POV

"Sister Anna, sino po ang batang iyon?"

"Yung nakaupo ba doon? Siya si Samantha. Matagal na siya dito. Mula nung sanggol pa siya ay dinala na siya dito. Iniwan kasi siya ng mga magulang niya. Sabi daw, di daw kayang alagaan ang bata kaya dito nila binilin kasi alam nila na may mag-aalaga sa kanya. Mag 17 years old na siya sa December."

"Hindi lang po pala nagkakalayo ang edad namin. Mag 17 na rin po ako pero sa October nga lang."

"Gusto mo ba siyang maging kaibigan iha? Pwede mo siyang lapitan"

"Ayy huwag na po Sister. Nakakahiya. Baka maabala ko pa siya"

"Sige na iha. Huwag kang mahiya"

Nang papalapit na siya kay Samantha ay tinawag siya ng Mom niya.

"Cheyanne, where are you going?"

"Mom gusto ko lang sana pumunta doon kay Samantha. Sabi ni Sister, we are almost in the same age"

"Ako na lang muna, nak. Manood ka. Baka kasi matakot kasi di ka kilala"

Pinuntahan na nga ni Charlotte ang bata.

"Hi Samantha. It's good to see you again."

"Nay Charlotte. Matagal na nung huling bisita mo"

"Naku namiss mo ba ako? Pahug nga nak"

Nakita ni Cheyanne ang pangyayaring iyon. Hindi niya maiwasan na makadama siya ng selos. Nakita niyang masaya ang Mom niya sa piling ni Samantha.

Cheyanne's POV

"Naisip ko na kahit minsan, hindi ako yinakap ni Mom katulad ng pagkakayakap niya kay Samantha. Hindi ko maiwasang magselos pero alam kong hindi tama itong nararamdaman ko. Kahit ganoon, alam kong mahal ako ni Mom.", bulong ko sa hangin.

At umalis si Cheyanne upang di mahalata na nasasaktan siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pagkaisa, PagkawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon