Fake Love

269 8 1
                                    


"Walang Jungkook kang boyfriend, Jimin. He's not real. He's a ghost"

"H-Hindi totoo yan Taehyung! Bawiin mo ang sinabi mo..n-nagagalit ka lang kay Jungkook dahil siya ang mahal ko at hindi ikaw!"

Kung hindi lang nahawakan ni Jhope ang kamay niya,baka nabato na niya kay Taehyung ang bag niya dahil sa galit at inis.

"I-I'm sorry Jimin. Dapat siguro sinamahan kita nung unang beses na nagpunta ka dito.. S-siguro hindi mo nakita ang kaluluwa ni Jungkook dito,hindi kayo magkakalapit na dalawa"

Walang patid sa pagpatak ang mga luha niya,naguguluhan sa mga sinasabi ni Jhope at Taehyung.

"H-hyung isa ka pa.. Hindi multo si Jungkook.. He's real--

"No,he's not! Can't you see? What you two have were not real.. It's obviously a fake love.. Walang Jungkook na pupunas ng mga luha mo,walang Jungkook na susuklian ang pagmamahal mo,Jimin"

"No hindi totoo yan!"

Nasampal niya si Taehyung sa sobra niyang galit. Sumasakit na ang ulo niya sa mga sinasabi ng mga ito about Jungkook.

"Bebe t-totoo ang sinasabi ni Taehyung. Hindi ko alam na ang tinutukoy mong Jungkook ay si Jeon Jungkook nga. Jimin,wala na si Jungkook matagal na. Ang kwento ng auntie ko na nagtrabaho noon dito sa bahay na'to, nagpakamatay ang nag-iisang anak at tagapagmana ng mga Jeon na si Jungkook nga. K-kaya umalis ang parents ni Jungkook yun ay para subukang kalimutan ang nakakalungkot na nangyari sa kanilang anak. Kaya nagpasalin-salin ang kwento na may sumpa ang mansion na ito"

"N-naniniwala kayo sa mga kwento lang? Hindi niyo kilala si Jungkook. Nakasama ko siya kaya imposible ang mga sinasabi niyo"

"Hindi. Ako ang magpapatunay na tama ang sinasabi sayo ng mga kaibigan mo,Jimin"

Biglang singit ang isang tinig na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Ang mabait na taxi driver pala na palaging naghahatid sa kanya papunta sa lugar na ito.

"M-Manong"

"Ako ang dating head Butler ni young master Jungkook. Isa lamang siyang simpleng bata na kinagigiliwan naming lahat dahil napakabait niyang bata,at hindi tumitingin sa kung ano ang estado sa buhay ng isang tao. Nasubaybayan ko ang paglaki ng batang yun. Sa kabila ng kanyang marangyang pamumuhay,hindi siya umaasta na parang isang prinsipe. Napaka-down to earth na bata. Subalit sa likod ng kanyang magagandang mga ngiti,nagtatago pala ang malungkot niyang katauhan. Sinabi niya minsan saken na,sawa na siyang isuot ang kanyang maskara. Hindi ko siya sineryoso noon,dahil akala ko biro lang yun ng isang kabataang kagaya niya. Palagi niyang tinatanong saken na kung ang lahat ay nasa kanya na,bakit pakiramdam niya ay kulang siya? Biniro ko pa nga siya noon na mag-asawa na siya. Tumawa lang ang aking mabait na amo. Lahat kami ay nagulat isang araw,ang aming prinsipe ay natagpuan sa kanyang kwarto na halos wala ng buhay. Dinala siya sa hospital at doon nalaman namin na he was overdosed. Hindi namin masabi kung sadyang ginawa ng amo ko ang bagay na yun o marahil napasobrahan lang siya sa pag-inom ng kanyang sleeping pills? Ka-edad mo lang siya noon. Pagkatapos ng nangyaring yun,hindi na kami pinayagan ng mga magulang ni young master Jungkook na malaman kung ano na ang lagay ng aming prinsipe. Matapos ang ilang araw,saka naman nila inilayo ang amo ko at dinala sa England. Kaming manggagawa ang mga naiwan dito sa rancho at para na din mabantayan ang mansion. Subalit ang aking mga kasamahan ay nagkanya-kanyang alis at dahil walang nakakaalam kung anong tunay na nangyari at lagay ng aming prinsipe,dun na nabuo ang iba't-ibang kwento ng katatakutan tungkol sa mansion. Kaya ang dating rancho,naging tila gubat na dahil napabayaan. Ayon sa kwento ng aking mga kababaryo na mapapadaan dito,nakikita nila ang kaluluwa ng aming mabait na amo na gumagala at tila binabantayan ang lugar na ito. Nung una hindi ako naniniwalang wala na nga ang aking prinsipe, subalit ako man ay nanghilakbot nang makita siya. Ganun pa din ang itsura niya subalit kababakasan ng kalungkutan ang kanyang mukha. Simula noon,kinatakutan na mga tao ang lugar na ito dahil hindi daw matahimik ang kaluluwa niya"

Kookmin's presents: An Extraordinary Love affairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon