Birthday gift

279 7 0
                                    


October 13

It's Jimin's birthday,kaninang five pa ng hapon nagsimula ang party na hinanda sa kanya ng parents niya,pero hindi siya masaya. Hindi kasi sigurado kung makakarating sa party ang boyfriend niyang si Jungkook.

Gustong-gusto pa naman niya sana itong ipakilala sa pamilya niya at mga kaibigan, subalit malabo pa yatang mangyari yun ngayon. Hindi din tuloy niya masabing may boyfriend na siya ulit, para tigilan na siya ng mga pilit pa din na pumoporma sa kanya.

"Oh,bakit nakasimangot ang birthday boy? Aren't you enjoying the party sweetheart?"

"Hindi naman po sa ganun,Mama. Sayang kasi hindi siya makakarating"

"Sino? Nandito naman na ang mga classmates at kaibigan mo..nandito ang mga teachers mo,si Taehyung. Sino yung hindi makakarating?"

He sighed and looked at his Mom's eyes..siguro dapat na niyang sabihin ang totoo ditong may boyfriend na siya ulit.

"Mama,siya po ang boyfriend ko at ang pangalan niya ay Jungkook"
Pag-amin niya,waiting her Mama's facial reaction. Mukha itong natigilan pero saglit lang naman at muli na itong ngumiti kaya he'll take that as an approval--na okay lang dito na magkaroon siya ulit ng boyfriend.

"Talaga may boyfriend ka na ulit? I'm happy for you Son. P-pero bakit hindi siya makakarating? I would like to meet him and hindi niya dapat ma-missed ang birthday mo anak"

"Hayy~ busy po kasi yung taong yun eh kaya hindi daw siya makakarating kasi may pinapagawa ang parents niya sa kanya. He just greeted me and sent sweet messages to me kaninang midnight"

"Oh,that's so sweet hon. Atleast di niya nakalimutan na batiin ka,siya pa pala ang unang bumati sayo. Busy lang talaga siguro siya,malay mo makahabol pa siya"

"Sana nga po Mama..Gusto ko pa naman mag-celebrate ng birthday ko na kasama siya"

Niyakap siya ng Mama niya,kissing him on his cheeks.

"Wag ka ng ma-sad anak..malay mo bumawi siya sayo. This is your party,you should be happy and enjoy this special day. Andito naman kami eh,diba? Smile na yung baby ko dali"

"Mama naman,di na'ko baby. I'm 19 so,you must stop treating me like a baby"

"Bakit ba? E baby ka naman namin eh.. Pftt,o sige na.Hindi ka na namin tatawaging baby,if that's what you want. Come on,mag-enjoy ka lang hm? Lika,hinahanap ka ng mga bisita mo sa baba"

Napapabuntong-hininga na sumama na lamang siya sa Mama niya sa baba para harapin ang mga bisita niya. Agad pa siyang binati ng mga bisitang madaanan nila,giving him birthday gifts. Ngingiti lang siya at magpapasalamat sa mga ito. Masaya sana ang party niya kung makakarating si Jungkook. Kahit papaano ay umaasa pa din siyang sisiputin siya nito kahit seven na ng gabi.

"Hello Jimin! Happy birthday!"
Sinalubong pa siya ng mahigpit na yakap ng kaibigan niyang si Jhope kasunod pa nito na sina Yoongi,Taehyung at mga magulang nitong sina Namjoon at Jin na mga teachers niya.

"Thank you po sa pagpunta"

"Happy birthday, Love.. I-I mean,Jimin. Flowers for you and my gift. Ang wish ko ngayong birthday mo,maging masaya ka"

"Thanks Taehyung"

Tinanggap naman niya ang bulaklak nitong dala saka yung regalo nito sa kanya. Hinayaan na din niyang mayakap siya nito ulit,and placed a gentle kiss on his forehead and cheek.

"Uyy,bagay pa din sila. Di na ba kayo magkakabalikan?"
Panunukso pa ni Yoongi sa kanila ni Taehyung.

Hindi siya natutuwa sa panunuksong yun ng kaibigan lalo na dahil ginatungan pa yun ng iba pa. He sighed and looked over to his Mama,naghahanap siya ng kakampi. Fortunately, mukhang naunawaan naman nito yung message ng tingin niya.

Kookmin's presents: An Extraordinary Love affairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon