CHAPTER 1 : "Picture"

4 0 0
                                    

      Tirik na ang araw nang magising si Vince sa kanyang kwarto. Napuyat siya sa kaka-edit ng mga litratong kinunan niya sa isang resort. Nagmadali siya ng bangon at agad inayos ang kanyang higaan. Tumungo siya sa veranda ng kanyang condo. Tanaw niya ang mga sasakyang buhol-buhol sa trapik at mga taong abala sa kanilang gawain. Pagkatapos ay umupo siya sa harap ng kanyang computer at tiningnan ang natapos niyang in-edit sabay higop ng mainit na kape. Sa tingin niya ay maayos na ang kanyang gawa, kaya binuksan niya ang ibang file ng litrato. Habang nag ba-browse ng mga pictures ay may napansin siyang isa dito. Pumukaw ito sa kanyang atesyon at pinagmasdang mabuti. Isang babaeng nakaupo sa isang customer table at simpleng nagmamasid. Maganda ito at maihahalintulad sa isang modela dahil sa suot nitong summer attire. Hindi niya alam kung kailan niya nakunan iyon kaya hinayaan na lang niya. Natapos na niyang inspeksyonin ang lahat ng mga litratong kinuha niya noong isang araw. Agad siyang tumayo at naghahandang maligo nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. May tawag sa kabilang linya, si Larry, katrabaho at matalik na kaibigan ni Vince.

     "O Bro! Napatawag ka yata?" sagot ni Vince.

     "Wala Bro, kinakamusta ko lang kung okey lang ang naging bakasyon mo. Almost one week na din." tugon ni Larry.

     "Okay lang Bro, kahit mag-isa lang ako, enjoy ko parin. Maraming magagandang view doon kaya tinadtad ko ng pagkuha ng mga litrato. Pakita ko sayo next time ang mga kuha ko".

     Nang matapos mag-usap ang magkaibigan ay agad ng nag-ayos si Vince dahil papasok pa siya sa kanyang trabaho.

     Simple lang ang porma ni Vince, naka-polong blue at skinny jeans lang. Wala kasing uniform coding sa pinagtatrabahuan niya, basta casual lang ay okey na. Si Vince ay isang Photographer at Computer Analyst. Siya ay graduate ng Bachelor of Science in Digital Arts, sakto lang dahil sa kanyang talento. Mahilig siyang gumuhit at magdesinyo gamit lang ang computer.

     Alas 10:00 na ng umaga nang makarating siya sa kanyang pinagtatrabahuan. Agad naman siyang binati ng kanyang mga katrabaho at pumasok sa kanyang office. Inayos niya ang kanyang mga gamit at nagsimula ng magtrabaho. Alas 3:00 ng hapon nang matapos niya ang kanyang ginagawa. Tumungo siya sa isang resto malapit lang sa kanilang pinagtatrabahuan upang magmeryenda. Habang kumakain ay pasimple lang siyang nagmamasid sa sa paligid. May nakita siyang mag-kasintahan na sabay kumakain at nagsusubuan pa. Naaalala niya tuloy si Jane, ang dati niyang kasintahan. Naalala niya noon na ganon din sila dati, sweet sa isa't-isa pero bigla lang nagbago nang malaman niyang may ibang lalaki si Jane at pinagpasyahan nilang maghiwalay. Masakit iyon para kay Vince dahil ang babaeng inakala niyang mamahalin niya habang buhay ay may mahal palang iba. Inabot siya ng apat na buwan bago maka-move on. Simula noon ay itinuon na lang niya ang atensyon sa kanyang trabaho. Matalino si Vince, matangkad, gwapo at parang hinulma ang katawan dahil sa katipunuang taglay nito. Ma-appeal siya sa mga babae at mabait siya kung makitungo sa mga ito kaya lalo pang humahanga sa kanya ang mga babaeng nakakasalamuha niya.

     May sense of humor kaya masayang kasama, lalo na kung pumunta sila sa mga gimikan kasama ang mga kaibigan at katrabaho ay di mawawalan ng mga jokes ito. Umiiral ang pagkabolero pero maginoo. Hindi siya ang tipo ng lalaki na tumatahimik lang sa isang tabi, gumagawa siya ng paraan para maging makabuluhan. Hindi rin maiwasan ang mga tanong sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkaka-girlfriend. Ang sabi lang niya sa mga ito, "Darating din siguro ang araw na iibig ako sa taong para talaga sa akin." At dahil sa mga sinabi niya ay isa-isang nagbiro ang mga kaibigan niya na pwede raw mag-apply as Girlfriend. Nginitian na lamang ito ni Vince at sinakyan nalang ang mga biro nila.

     Patapos ng kumain si Vince at handa na siyang bumalik sa kanyang pinagtatrabahuan nang mag-ring ang kanyang cellphone.

     "Pre! Pinapatawag ka ni Boss. Dalian mo na dyan."

Picture of Love - (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon