Nakarating na si Vince sa lugar kung saan gaganapin ang nasabing Fashion Event. Maaga siyang pumunta para may panahon pa siyang magkapaghanda. Pababa na siya ng kanyang bagong biling kotse at kinuha na ang gamit sa likod. Papasok na siya sa entranda ng hotel dala-dala ang gagamiting camera at mga tripods. Nagandahan siya nang makita ang nasabing hotel. Pang first-class ang dating at magaganda ang mga desinyo at palamuti sa labas pa lang, paano pa kaya kung nasa loob na siya. Pumasok na siya ng hotel at sinalubong siya ng isang guard.
"Good eving Sir. May invitation po kayo?" bati nito.
"Yes, here." sabay pinakita sa guard ang invitation.
Agad namang siyang pinapasok ng guard nang makita ito. Pagpasok niya ay tumungo siya entrance desk.
"Good evening Sir. May I have your invitation." tanong ng F.O.
Inabot naman ni Vince ang invitation at hihintay ang tugon nito.
"Okay Sir. You are Mr. Vince Madrigal of Melfan Company?" tanong ng F.O.
"Yes I am."
"This way Sir."
Sinundan naman ni Vince ang F.O.
"Here we are Sir."
"Thank you." pasalamat ni Vince at agad ng pumasok sa hall.
Nabighani siya nang makita niya ang loob ng hotel kung saan gaganapin ang fashion show. Pumwesto agad siya sa lugar kung saan nakadestino ang mga photographer. Napansin niyang kakaunti palang ang mga tao doon dahil maaga pa. Sini-set na niya ang mga camera na gagamitin pagkatapos ay kumuha ng mga litrato habang hinihintay na mag-umpisa ang nasabing event. Nagpakilala rin siya sa kapwa photographer na nakatoka rin sa pagcover ng nasabing event. Ilang minuto ang lumipas at nagsidatingan na ang mga taong imbitado sa event. May pulitiko, negosyante at mga kilalang personalidad ay naroroon din kaya hindi na nag-atubili si Vince na kunan ng mga litrato ito.
Ilang sandali na lang at mag-uumpisa na ang fashion event. Nakaready na ang kanyang camera. Doon siya nakapwesto sa gawing harap ng entablado. Eksakto para sa frontal captures ng mga modelo. Nang mag-umpisa ng magsalita ang emcee ng show ay naghiyawan na ang mga tao. Si Vince ay nakapukos na sa pagkuha ng mga litrarto. Pagkatapos ng introduction ng emcee ay isa-isang nagsilabasan ang mga modelo suot ang mga damit na may iba't-ibang desinyo at style. Lahat ay namangha dahil sa nagagandahang modelo at damit na kanilang pinipresenta. Pati si Vince ay namangha dahil naaayon ang desinyo ng mga damit sa mga modelong nagprepresenta rito. Kuha dito, kuha doon, alam na ni Vince kung saan ang tamang anggulo sa pagkuha ng litrato. Nakakasiguro siyang maganda at maayos ang kalalabasan nito.
Makalipas ang dalawang oras ay natapos na rin ang event. Si Vince ay nag-umpisa nang magligpit ng gamit. Nagpahinga muna siya dahil napagod siya sa kakayuko makuha lang ang eksaktong angulo at magandang kuha ng mga modelo. Uminom siya ng tubig at pasimpleng nagmamasid sa event hall. Hindi maikakaila pero nagagandahan siya lugar at sinabing,
"Try ko kayang mag check-in dito ng mga ilang araw? Hmmmnn. . ."
![](https://img.wattpad.com/cover/153247201-288-k85587.jpg)
BINABASA MO ANG
Picture of Love - (ONGOING)
RomanceNagsimula ang lahat nang makunan ng litrato ni Charles si Stephanie sa isang resort. Humanga siya sa ganda nito at hiniling na sana ay makilala't makausap. Sadyang kakampi ang tadhana sa kanya at sila'y muling pinagtagpo.