CHAPTER 4 : "The Sunset"

1 0 0
                                    

Sabay na naglalakad ang dalawa habang nag-uusap. Hindi maiwasan ng mga babaeng nandoon na ngumiti kapag nakatingin sila kay Vince. Sinusundan pa sila ng tingin habang naglalakad. Napansin ito ni Stephanie at napangiti nalang. Walang siyang kamalay-malay na marami ding mga lalaki ang nakatingin sa kanya. Naisipan ni Stephanie na tumungo sa Women Section kung saan naka-display ang mga bagong damit pambabae. Magalang namang sinamahan ni Vince si Stephanie. Habang si Stephanie ay pumipili ng bibilhing damit, si Vince naman ay tahimik lang na sumusunod dito. Marami ang nakapansin sa dalawa lalo na ang mga mamimili roon na puro babae at mga sales lady na kanina pa pinag-uusapan at pinagbubulungan si Vince.

Nataon ang tingin ni Vince sa mga sales lady at ngumiti ito sa kanila.

"Shit! Ang gwapo niya!" kinikilig na sales lady. Hindi nila inaasahan na titingin sa kanila ang poging lalaki.

"Pero taken na siya girl?" wika ng kasamang sales lady.

"Huhh? Bakit naman?"

"Look! Yung girlfriend niya oh!" sabay nguso.

"What?", dagdag pa ng isa at tinitigan si Stephanie.

"Oww! Ang ganda niya."

"Bagay nga sila."

Batid naman ni Stephanie ang komusyong na nangyayari, kaya napangiti na lamang siya. May napili na siyang damit kaya tinawag niya ang isang sales lady at tinanong kung pwedeng sukatin. Habang nagsusukat ng damit, si Vince naman ay nasa labas ng fitting room at naghihinihintay. Patingin-patingin lang siya sa paligid nang may tumapik sa kanyang likod.

"Bagay ba?" tanong ni Stephanie.

Napatulala si Vince ng ilang Segundo saka sumagot.

"Wow! You look great! Bagay pala sayo ang pink color na damit. Mas lalo ka tuloy gumaganda." papuri ni Vince.

Biglang namula ang pisngi ni Stephanie dahil sa sinabi ni Vince. Sa loob-loob niya ay kinilig siya sa mga papuri nito kaya naisipan niyang kunin ang napiling damit. Kinilig naman ang sales lady na nandoon at sinabing:

"Sabi sayo Ma'am eh! Bagay po sa inyo yan. Pati po boyfriend niyo nagustahan."

Sa sinabi ng sales lady ay natigilan ang dalawa. Nagkatinginan nalang sila at ngumiti sa isa't-isa.

"Kukunin niyo po ba ito Ma'am?" tanong ng sales lady.

"Ahh! Oo." tugon ni Stephanie.

"Ako nang magbabayad!" singit ni Vince.

"Naku! Hindi na Vince nakakahiya na, ikaw na nga ang nanlibre ng kinain natin kanina. Ako nalang magbabayad nito." tanggi ni Stephanie.

Nailabas na ni Stephanie ang kanyang wallet nang biglang hinawakan ni Vince ang kamay nito at sinabing:

"Ako na lang magbabayad, last na to, promise."

Hindi na magawang tumutol pa ni Stephanie kaya nagpasamalamat uli siya kay Vince. Pagkalabas ay naisipan nilang maglibot-libot muna bago manood ng sine. Sa paglalakad ay napansin ni Stephanie ang isang Toys Stand doon. Maraming mga cute stuffed toys ang nakahilera sa loob. Nagpaalam muna si Vince kay Stephanie para mag-CR. Tumungo naman si Stephanie sa Toys Stand at tumingin-tingin sa mga stuffed toys na nandoon. May nakita siyang Teddy Bear, nagustuhan niya ito kaya nagpasya siyang bilhin ito at ibigay kay Vince bilang ganti sa panlilibre sa kanya nito kanina. Hiniling niya na sana magustuhan ito ni Vince. Papadating na si Vince sa kinaroonan ni Stephanie, nakangiti ito habang patungo sa kanya.

Picture of Love - (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon