"Andrea, wait up!" Hinihingal na tawag ni Jake sa nobya. "Drei, ano ba?! Mag usap muna tayo."
"I don't think may kailangan pa tayong pag usapan Jake." Dali-daling naglakad palayo si Andrea ng hablutin sya ni Jake sa braso at iniharap.
"Drei, kaibigan ko lang si Megan. Actually, classmate sya ni Ate Janice at bumisita lang sya sa bahay. Ano ba-"
"Bitawan mo nga ako! Tapos na tayo okay? I'm tired of the same excuses. Now let me go-"
Hinila nya uli si Andrea at akma itong hahalikan ng tinulak sya ng dalaga.
"Jake ano ba!" "Taxi!" Sabay tulak kay Jake at dali-daling sumakay sa taxi.
"Andrea wai-"
Ugh! F*ck!
Kong Timber Academy
"Archie, ramdam mo ba?" Gigil na sabi ng kaklase nyang si Dianne habang hila ang upuan sa tabi ni Archie. "Si Miggy, may pinasok na namang gulo. Hehe."
"Bored na naman siguro. Hayaan mo sya."
"Hahahaha! As if! Che, bilib din ako sa tibay ng puso mo."
Ganun ba ako ka obvious?! "Tigilan mo nga ako. Sanay na ako sa bestfriend kong yun. Para namang bago sayo to?"
"Ay, bago talaga teh! Imagine mo, bunsong kapatid na lalake ni Student Council President Janice yung tinalo? Hahahaha!"
Wait, what?! "You mean si Jake Roa?!"
"Hehe Yep! Yung varsity sa kabilang school. Umabot na kamandag ng bestfriend mo dun!"
No way? "Ano sabi ni Ate Janice tungkol dun?"
"Hmm. Wala naman akong narinig na may comment sya tungkol dun. Pero may twist yung issue. May girlfriend pala si Jake dun sa school, tapos pinagsabay sila ni Miggy. 'kala siguro di mabibisto porke magkaibang school."
"Nakita mo ba si Miggy ngayon? Puntahan ko muna sya."
"Yeah, nakita ko sya sa cafeteria kanina bago ako umakyat dito."
"Okay. See you later." Nagmamadali nyang niligpit ang mga gamit sa bag ng tawagin sya ng kaibigan.
"Oy Archie, pumasok ka sa next subject ha! May test tayo!"
"Yep!"
Pilit hinagilap ni Archie ang bestfriend nyang si Megan sa loob ng cafeteria ng tinawag sya neto.
"Che! Dito!" Nakangising tawag ni Megan habang kumakaway sa direksyon ni Archie.
There she is.
"I'm glad naabutan kita. Mag usap nga tayo Miggy." Nakabusangot na sumbat ni Archie ng makalapit na sa bestfriend nya.
"Hehehe! Alam ko na sasabihin mo. Pero bago yan, merienda muna tayo. Dito ka." Hinila ni Miggy ang upuan palapit sa kanya para makaupo ang kaibigan.
"Miggy, nag usap naba kayo ni Ate Janice? Teka. Akin na nga yan." Sabay abot ng cake na kinakain ni Miggy.
"Teka, cake ko yan! 'to sayo oh, binilhan na kita."
Hmm, mocha cake.. She knows me well. Napangiti sya. "Thanks. Hinulaan mo bang pupuntahan kita dito?"
"Hehe! Para ano pa at bestfriends tayo? Tsaka, minsan na nga lang tayong magkita sa sobrang busy mo noh! Buti pa nung highschool pa tayo sa'kin lang time mo.. hmp!"
"Ang ganda mo rin ano? Subukan mo mag enroll sa course ko ng ma feel mo yung word na busy."
"Hmp! 1st year pa lang kaya tayo. Ganyan ba talaga ka boring ang buhay dyan sa Engineering department?"
BINABASA MO ANG
It's not you, it's me (ON HOLD)
RomanceCan you accept love without giving love in return? This is a story about a girl who's unable to let go of her past, and the girl who's afraid to see the future.