"Is it true?" Tanong ni Aya sa kaibigan ng maabutan nya itong nagbabasa ng libro sa rooftop.
Napangiti naman si Andrea ng mapagtanto ang boses ng kaibigan. Alam nya na kahit di nya ito tingnan ay naiinis ito sa kanya. "Yes."
Napabuntunghininga na lang si Aya ng tumabi sa kanya. "Anong nangyari? I mean, it's not that I'm against it but ganun na lang kadali yun?"
"Yep, he said he was sorry."
"Then balikan na, ganun?"
"Haha! Oo, ganun. Ano ba? Maging masaya ka na lang para sa pinsan mo."
"Hmp! Magiging masaya lang ako kung masaya ka sa naging decision mo. Sure ka ba dito?"
"Sure na. Mukhang di na din naman sya uulit."
"Hah! Ewan ko lang sa lalakeng yun Drei ha. Subukan nya uli magloko at ako-" "Aray aray!"
Napahimas si Aya sa pisnging pinisil ng kaibigan.
"Ang cute mo. Don't worry okay? This time, I'll handle it. Di na yun titingin sa iba." Gigil na nakatawang sagot ni Andrea.
Beep beep
Huh? Napabilis ang tibok ng puso ni Andrea ng makita kung san galing ang text na natanggap.
"May problema ba?" Pag uusisa ng kaibigan ng mapansin ang bigla nyang pananahimik.
"Ah, w-wala. I have to go." Tugon ni Andrea sabay tayo at ligpit ng gamit nya.
"Huh? We have class in 30 minutes. May emergency ba?"
"No. Wala naman. May pinapabili lang si mama so I need to go there. Babalik din ako agad."
"Samahan na kita?"
"It's okay. See you later Aya." Naiwang magkahalong nag aalala at nagtataka si Aya sa dali daling pag alis ng kaibigan. Anong nangyari dun?
Palingon lingon si Andrea sa paligid ng mapansin ang on and off signal light ng isang sasakyang naka park sa harap nya.
Beep beep
"Get in the car." -Miggy
Agad bumukas ang car door ng nakalapit sya dito.
"Hi! Get in." Nakangiting bati ni Megan sa dalaga.
"What's with you?" Agad na tanong ni Andrea ng nakaupo sa tabi ni Megan.
"Hehe. Joyride lang. Wala ka ng class?"
"Hmm. W-wala na. Sa'n mo plano pumunta?" Gee.. What am I doing with this girl again.. And the fact that I lied for having no class! Am I crazy?
"Great. Let's go." Nakangiting sagot ni Megan sa dalaga habang pinapaandar ang sasakyan nito palabas ng parking lot ng WWC.
"I think di mo narinig yung tanong ko. San mo ba plano pumunta?" Inis na tanong uli ni Andrea.
"May gusto ka bang puntahan?" Ganting tanong ni Megan sa dalaga.
"Wala, I don't know. Ikaw tong sumundo sa'kin sa school tapos ako tatanungin mo kung san ko gusto pumunta? Ang gulo mo rin ano?"
"Hahaha! Gosh, Andrea.. Relax ka nga. Okay, get a nap and let me drive."
"Ano ka?! Kidnap ba to? Ibaba mo na nga lang ako!"
"Hahaha! God! Really, kidnap? As far as I remember ikaw ang kusang sumakay dito."
"Because you told me to get in your damn car!"
"And you asked me kung san ko plano pumunta. Was I wrong to think na gusto mo rin sumama sa'kin?" Seryosong sagot ni Megan habang pinark ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "What? You want me to send you back now?" Dagdag ni Megan sa natahimik na si Andrea.
BINABASA MO ANG
It's not you, it's me (ON HOLD)
RomanceCan you accept love without giving love in return? This is a story about a girl who's unable to let go of her past, and the girl who's afraid to see the future.