"Is something wrong?" tanong ni Archie ng makabalik ang mga ito sa table nila.
Andrea blushes, "Wala naman. T-Tinulungan lang ako ni Miggy to lift some boxes sa loob."
"Oh, you should have called me too para nakatulong din ako."
"Ah no, no. It's okay. Konti lang naman yun."
"And I just insisted na tumulong since nandun naman na ako." dagdag ni Megan. "Let's eat, gutom na ako."
"Right. Ako din. And diba may class ka pa Miggy?"
"Uhuh" sagot ng dalaga habang ngumunguya ng pagkain nya. "Florals. Kaklase ko dun yung crush mo."
"Florals? Nasa design department ka?" usisa naman ni Andrea.
"Architecture. Ibang iba sa category mo. Hehe"
"Ah yeah. I'm in broadcasting. Teka, na mention ko ba sayo yun? Pano mo nalaman?"
"I didn't. Nahulaan ko lang based sa personality mo."
"So you were just bluffing then."
"Haha. I usually get it right."
"Hehe. Talent na ni Miggy yan Andrea." dagdag pa ng kaibigan.
"I should have known. I'll learn how to dodge it then."
"I hope so. Haha."
"Shut up Miggy. Sabi mo classmate mo yung crush ni Archie sa session na yun?"
"Yep. Yung kalbo nyang crush. Hahaha"
"How rude. Maghanap ka nga ng crush mo."
Megan smiled. "Hmm.. May crush na ako."
Di naman nakaligtas kay Archie ang pamumula ng mukha ni Andrea sa sagot ng bestfriend.
This is just my imagination right? It's as if nakikita ko ang sarili ko sa kanya whenever Miggy teases me.. Wait..
"Drei." naputol sa pag iisip si Archie ng nakangiting bumati ang ginang sa kanila. "Good afternoon sa inyong tatlo. Are you getting a good meal?"
"Ah, good afternoon po. Yes, ang sarap po ng food nyo dito." sagot naman ni Archie ng mapagtantong mama ito ni Andrea.
"Thank you. Hello there Miggy."
"Hello po tita. Kumain na po ba kayo?"
"Yes Miggy, I ate at home. Bumalik lang ako dito kasi di ko ma contact si Andrea."
Nag alala naman agad ang dalaga sa turan ng ina. "Ah, sorry ma. I left my phone sa loob ng office mo. May problema po ba?"
"Wala naman. I just need you home before dinner today kasi darating ang pinsan mo. We will have a simple family gathering."
Di mawari ni Andrea ang panlalamig ng katawan nya ng maalala ang pinsan. Kahit di sya magtanong ay alam nya kung sino ang darating. Di naman ito nakaligtas kay Megan.
"May problema ba Drei?" tanong nito sa namumutlang nobya.
"W-Wala naman. I'll be home early ma." pilit na ngiti naman na sagot nito sa ina.
"Well then, we should get going na rin Andrea. May class pa si Miggy eh."
"Oo nga pala." alinlangan na kinuha ni Miggy ang bag. "We'll go ahead po tita, Drei."
Di naman makatingin ng direcho si Andrea sa dalaga dahil alam nyang pilit syang binabasa nito. "S-See you."
"Something's off." komento ni Megan sa kaibigan habang nagdadrive pabalik ng campus.
BINABASA MO ANG
It's not you, it's me (ON HOLD)
RomanceCan you accept love without giving love in return? This is a story about a girl who's unable to let go of her past, and the girl who's afraid to see the future.