"San ka galing? Ang tagal mo nag CR!" Reklamo ni Archie ng makabalik si Miggy sa mesa nila. "Jumebs kaba?"
"Gaga. Hindi. Hahaha! May kinamusta lang ako saglit."
"Yung babae dito kanina? What's her name again?"
"Andrea Uy. She's from Wood West."
"Ah.. Familiar yung name. They own this place?"
"Yep. And she's pretty popular, for sure narinig mo na pangalan nya somewhere."
"Hmm.." Pilit inaalala ni Archie kung san nya narinig ang pangalan na yun ng dumating ang waiter para sa order nila.
"Thanks. Hmm, Warren?" Tanong ni Archie habang nakatingin sa nameplate ng waiter.
"Yes ma'am. You're welcome po. May kulang pa po ba sa order nyo?"
"Ah, wala na. Pero may tanong ako. Yung Uy family ba na may ari nito same sa may ari nung Wedding Shop and Souveiners sa North?"
"Opo. Pero si Miss Andrea po nagma-manage nun, ang mama nya po ang nakatutok dito sa restaurant."
"I see. Thanks. Okay na kami."
"Sige po." Sagot ng waiter bago nito sila iwan.
Napangiti si Miggy sa kaibigan. "Alam mo Archie, bagay sayo Journalism. Mausisa ka."
"Na curious lang ako. Because I know I've heard the name somewhere. Pa'no kayo nagka kilala? Parang di mo sya nabanggit before." Tugon pa nito habang sumusubo ng pagkain. "Naging classmates ba natin sya dati at di ko lang ma remember?"
"Nope. As far as I know she studied abroad nung grade school pa sya, then nag transfer sa WWC nung nag highschool up until now."
"Ah.. Sabagay. I don't think I'd forget her kung naging classmate ko sya. Sa ganda nyang yun."
"Hmm.."
Napatingin si Archie sa kaibigan ng napansin nyang di ito kumakain at nakatitig lang sa kanya. "May problema ba, Miggy?"
"Wala naman.."
"Obvious sa mukha mo. Tell me."
"Wala nga."
"Miggy."
Napangiti si Miggy sa turan ng kaibigan. Kilala nya ito and she knows na pinakaiinisan nito ang nabibitin sa kung anumang idea ang tumatakbo sa utak nya. "Che, perhaps you've heard Andrea's name sa.. Like, 3 weeks ago.."
Nagsalubong ang kilay ni Archie habang pilit na kinakapa sa memorya ang mga nangyari 3 weeks ago. "3 weeks ago.. Hmm.."
"Like.. Nung na involved si.. Jake Roa." Dagdag pa ni Miggy.
"Andrea.. Teka. Si Andrea?! Yung girlfriend-"
"Ex." Napamulagat si Archie ng biglang sumagot si Andrea sa likuran nya. "Ex girlfriend ako ni Jake, ang boyfriend ng bestfriend mo." Magkasalubong na kilay na dagdag ng dalaga habang nakatingin kay Miggy.
Napangiti naman si Miggy sa reaksyon na pinapakita ni Andrea. She's still hurting huh? "I don't think kasali ka sa usapan namin dito, Miss Andrea." Nakangisi nya pang tugon sa nakasimangot na dalaga.
"And Miggy's not-" Napatigil sa sasabihin nya si Archie ng hawakan ni Miggy ang kamay nya. "Pwede naman akong mag share if you're up to that." Dagdag ni Miggy na ikinamulagat ng mata ni Archie.
What are you up to Miggy? You're in a wrong territory! Magkahalong kaba at pag aalala ang nararamdaman ni Archie para sa dalawang babaeng nasa harap. Damn, Miggy.
BINABASA MO ANG
It's not you, it's me (ON HOLD)
RomansaCan you accept love without giving love in return? This is a story about a girl who's unable to let go of her past, and the girl who's afraid to see the future.