Paano ko ba haharapin ang bukas,
Kung di ko ramdam ang pag ibig na wagas?
Paano na ang aking kaligayahan,
Kung ikaw mismo ay tuluyan ng lumisan?Paano ko ba mararamdaman muli?
Pag ibig na wagas tanging minimithi.
Na ngayon ay unti-unting humahapdi,
Sapagkat hinayaan mong maging sawi.Para saan pa kung aking ipagpapatuloy?
Siguro kailangan sundan ko nalang ang bawat daloy.
Kahit na minsan na akong nagpadalos-dalos.
At nagsisisi na nang lubos.Ngunit bago mo ako lisanin
Nais ko lang naman ay aking maangkin.
Ang pag ibig na para sa akin.
Pangako ko sa'yo, ika'y walang hanggang iibigin.Ngunit kung walang pagkakataon,
Tuluyan ko na lamang bang ibabaon?
Sa ilalim ng mga nagwawalang alon
O sa lupa at nang hindi na makaahon?Masakit man ang kinahinatnan,
Nang dalawang puso nating pinaglaruan ng kapalaran.
Bilanggo sa sariling kalayaan.
Tila, isang panaginip na kailanman ay hindi malilimutan.Ngayon ay aking napagtanto
Iguguhit ko lahat ng ito sa isang bato.
At sa iyo ay aking ibabato
Nang sa ganoon ay matamaan ang iyong ulo
At masabi mong mahal mo rin pala ako.----
Originally composed by: @Prettymira18
Date: May 22, 2013
YOU ARE READING
A Poetry of Emotions
PoesieIT'S NOT ABOUT WHAT A WRITER SAYS. IT'S ABOUT HOW A WRITER SAYS IT, TO MAKE A READERS UNDERSTAND IT.