ARA P.O.V
"ARA you don't have to do this," pigil pa din sa akin ni Mommy. "Masyadong delikado. Saka puspusan na ang operasyon ng nga sundalo para ma-rescue ang sinasabing binihag ng mga rebelde na 'yun. And besides we are not sure if it is really Jeff. Dito ka nalang anak, kailangan ka ni Gavin. "
"Mommy nakiusap na po ako sa team namin na ako ang sasama, ako na ang magka-cover doon at sasama sa mga sundalo. Mom...malakas ang pakiramdam ko na si Kuya 'yun." pahayag ko. Five days ago lumabas na ang DNA result, hindi kay Kuya yung nakitang mga body parts. There is no sign of his remains.
"Ara ayokong umasa ka na naman. Dito ka nalang. Ayokong mapahamak ka, nawalan na ako ng isang anak, ayokong maulit pa 'yun," himig pagmamakaawa niya. Kagabi lang ay umiyak din si Nanay sa akin maging sila Karen, trying to stop me but no. Buo na ang pasya ko, aalis ako. Hahanapin ko si Kuya.
"Mom buhay si Kuya, ramdam ko 'yun at hahanapin ko siya. Ako mismo ang magbabalik sa kanya," saka ko na binuhat ang bag ko. "Kayo na po ang bahala kay Gavin, babalik po ko."
"Ara! Ara!" habol niya sa akin. "Hahanapin ka ng anak mo."
"Mom babalik po ako at kasama ko na si Kuya. Kasama ko na ang Daddy ni Gavin sa pagbalik ko," sagot ko at tuloy-tuloy na akong umalis.
Malakas ang kutob ko, buhay si Kuya. Ramdam ko 'yun sa puso ko. Ibabalik ko siya dito sa piling namin. Dinaanan ako ni Gero, siya ang makakasama ko sa pag-cover. Labis-labis na kaba ang nararamdaman ko pero ayokong pagsisihan sa huli ang mga bagay na dapat ay ginawa ko para sa kanya.
We headed to the camp for a security briefing including evacuation plans, rules of engagements, what to do under fire, etc. We will be spending three days here before joining the soldiers in front lines.
In three days, we will have to sign waivers, gear check and training, building rapport with soldiers, planning and coordination at marami pang iba para maihanda kami physically and mentally. Never in my dream na gagawin ko 'to but for Kuya, I have to. Para sa asawa ko, sa ama ng anak ko.
Makalipas ang tatlong araw ay umalis na kami. Taimtim akong nagdadasal habang nasa byahe, panay ang tingin ko sa larawan ni Gavin, babalik ako anak. Saglit lang si Mommy doon. Matapos ang halos pitong oras na byahe ay nakarating na kami ng Pitkul.
Sakay na kami ngayon ng military vehicle heading to the combat zone. Napahigpit ang hawak ko sa camera nang papasok na kami sa mas liblib na lugar, ito nalang daw ang hindi pa nababawing lupa ng mga militar mula sa rebelde. Two weeks ako ay nakumpirma ng napatay ang isa sa mga sa lider ng ISIS, pinaghahanap pa ang isa.
Dinig ko na agad ang mga pagsabog at ang mga maiitim na usok sa di-kalayuan. Nasunog na mga puno at building ang tanging makikita sa lugar. Amoy gas, dugo, gunpowder at kung anu-ano pang nasusunog na mga bagay.
I can't imagine how many people lost their lives here—the painful screams, the will to fight at ang katahimikang bumabalot na ngayon sa buong lugar. Habang palapit kami ng palapit ay mas lalong lumalakas ang nadidinig naming mga pagsabog at tunog ng baril. Tila walang katapusan, walang handang magparaya—matira matibay.
Lumingon sa amin ang sundalong nasa shotgun seat. "Listen up. We're now entering the hot zone," he said over the intercom, his voice firm but calm. "From the moment we step out, keep low, stay close, and don't wander. You see us hit the ground, you hit the ground. No hesitation."
I swallowed hard but nodded right away, ganun din si Gero na kanina pa nakayuko—he's praying. My hand instinctively checked the PRESS patch on my vest.
"Alpha 3-1, be advised. Press is entering your sector. Repeat, press is inbound. ETA 5 minutes," dinig pa naming turan ng isang sundalo. We are also escorted by two cars lulan ang anim pang sundalo.

BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Storie d'amoreMagpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half...