Chapter Three - Club Recruitment and Meeting the Best Friend.

69 2 6
                                    

I'm BAAACK!

Sorry for not updating that much. Hope you understand.

_____________________________________________________________________________

:)Guen's POV

.______________.

Di pa rin ako makapaniwala na kaklase ko siya. Yung mokong na yun? Kaklase ko?

Be positive Guen, di ka na naman niya siguro sasabugan ng kasungitan at kawalan ng emotion sa buhay. Haysss.

Pero hindi ko na masyadong inisip yun dahil nagpakilala na ako sa unahan. Tumayo at biglang may sumigaw ng...

"HI MISS GUEN WE MISS YOU!!" 

 Napangiti naman ako dun. At nagsimulang magpakilala kahit naman siguro kilalang-kilala na nila ako.

"Annyeong Haseyo! Ako si Guen Samantha Villaruel Park. You can call me Guen, Samantha o kaya Sam na lang. Bahala kayo sa kung anong gusto niyong itawag sa akin." sabi ko.

"Ms. Guen! Mas lalo ka atang gumanda! Lalo tuloy kitang minahal" sabi naman nung isang lalake sa likuran. 

Ngumiti na lang ako kahit nabwibwiset na ako. Ayoko sa mga ganyang lalakeng. BWISET.

Nagtataka na siguro kayo kung bakit ganyan ang trato nila sa akin.

Di ko pala nabanggit, isa nga pala ako sa mga kinikilalang estudyante ng school namin. Kilala ako dahil ako lang naman ang DAKILANG Presidente ng Photography Club. 

Ang Photography Club ay isa sa mga club sa school na pinangungunahan ng mga masasabing mayayaman na estudyante, hindi dito basta-basta nakakapasok ang mga members dahil una, hindi porket may camera ka na ay pwede ka na, kailangan dito may passion at talagang masasabing magaling at marunong at dapat may itsura ka dahil dito rin kumukuha ng mga models kapag may kailangan ang ilang kumpanya. 

In short, maganda, mayaman, magaling at marunong at may talino ang requirements dito. Pero walang halong yabangan. Pero dahil MABAAAIT akong presidente ay nagbibigay naman ako ng mga exceptions lalo na kung alam ko namang deserving ang isang tao. :)

Natuloy ang orientation hanggang five minutes na lang ay lunch break na.

"Okay class, this afternoon will be your time to choose the clubs that you're interested in. Pumili ng ayos, wag yung trip-trip lang. You may go now." at umalis na si Ms. Rodriguez.

Eto na siguro yung magiging pinakanakakapagod na activity sa lahat. Ang magbasa ng mga application form ng mga gustong magmember sa photography club, magbibigay ng ilang information sa kanila, magpapakilala at kung anu-ano pa.

Haysss.

Lumabas na ako at pumunta sa locker ko para magprepare ng mga gagamitin mamaya. Hindi na siguro muna ako maglulunch. Sayang ang oras. 

"Chingu(friend)! Kamusta naaaa! Bogoshipda(imissyou)!"  sigaw ni Tricia habang sinasara ko na yung locker ko.

At niyakap ako ng soooobrang higpit. 

Sino si Tricia? Siya lang naman ang echoserang bestfriend ng bida. 

Patricia Yeong -----> (Multimedia)

Bestfriend since Grade 3. Lagi ko tong sinusungitan pero loves pa rin ako. Kasama ko sa mga kalokahan at kaboringan ko sa buhay. Fashionista tong babaitang to, kaya minsan nahahawa na ako. Pero iba pa rin talaga siya.

Maganda (mana sa akin), matalino, mayaman, pinagkakaguluhan ng boys dyan sa tabi-tabi at syempre ang Secretary ng club na kinabibilangan ko. 

Love Life niya? Ewan dyan? May hinihintay daw. Yan lang kinatatampo ko sa kanya eh, yan lang yung dakilang sikreto niya sa akin. It hurts you know! Nagtatago sayo bestfriend mo. TT.TT

"Aray! Aray! Di na ako makahinga! BITAW! BITAW!" sabi ko. 

"Eto naman oh. Namiss lang kita. Di mo ba ako namiss?" sabi nitong Koreanang nasa harapan ko. 

"Namiss kita Tricia. Kailangan ba talaga sasabihin ko yun para lang malaman mo? Hello?! Buong bakasyon akong walang kasama sa mga gora ko dahil nasa Japan ka. Iniwan mo ako! Tapos yayakapin mo ako ng walang pasalubong? Kapalan lang ng mukha? Ha?"  masungit pero pabiro kong sabi. 

"OH!" sabay bigay nung isang bag ng bagong mga branded na damit galing Japan. "Tara na nga! Sungit-sungit, wala namang boyfriend."

"Tse. Tulungan mo naman ako Miss Secretary. Ang dami po kasing gawain ni Presidente para mamayang orientation ng club natin. Nakakahiya naman kasi sa akin."  masungit ko pa ring sabi pero parte lang yun ng mga lambing ko sa bestfriend ko. 

 *Photography Club's Room*

Nag-ayos na kami ni Tricia ng mga attractive designs at ng ilang mga files, LCD projector at ilang mga picture para ipakita sa kanila.

"Haaaay! Sa wakas! Okay na. Pwede na tayong tumanggap ng mga applicants, Tricia. They can now come in." excited kong pagkakasabi.

At isa-isa silang pumasok at umupo sa mga chairs na pinrepare namin. Habang  pumunta sa unahan si Tricia para i-operate ang projector at naghanda na ako para i-orient sila.

At makaraan ang ilang minuto...

"Okay, that's all guys! Sana naman ay hindi sumama ang loob niyo sa amin kung sakali mang hindi kayo makapasa sa mga requirements na hinihingi namin. Just wait for our futher announcement. Thank you."

 At unti-unti na silang naglabasan hanggang sa kami na lang ulit dalawa ni Tricia ang matira sa PhoRo (nickname namin sa room ng club namin. sagwa noh? XD)

"Tricia, di dumating si Kent? Bakit kaya? Siya pa man din ang VPresident at tumutulong sa atin sa mga pagbubuhat. Hay nako." medyo may inis na pagkakasabi ko.

"Baka busy? Hayae mo na. First time naman niyang mawala sa mga meetings natin diba? Pagbigyan mo na. Tsaka alam ko namang may lihim kang pagtingin sa kanya. HAHAH." 

pang-iinis na sabi ng bestfriend ko. -.-

"Whatever! Hindi ko papatulan ang pang-iinis mo sa akin dahil di ako affected. HAHAH." sagot ko sa kanya kahit medyo konti lang naman akong affected hahah. Nang biglang . . . .

May kumatok sa pintuan.

 "I think it's Kent?" pabulong na sabi sa akin ni Tricia.

"Come in."  

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 konting pabitin

HAIIIII GUIIISE! Sorry kung napapadalang ang UD ko. 

Sana nagustuhan niyo. 

Votes and Comments are highly appreciated. :)

♥boonana 

Can We Make It 'Til The End?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon