Chapter Four - Who is Kent?

66 2 2
                                    

Dahil alam ko namang marami nang nagtatanong sa akin kung sino si Kent. 

Oh, Eto na yung continuation nung pabitin ko. Hahaha. Enjoy! Don't forget to comment and vote.

 Kent -------------> Multimedia

♥boonana

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Guen's POV

"I think it's Kent." 

*dugdugdugdug*

Bakit ganito ang tibok ng puso ko. Parang kinakabahan ako na ewan. Paano nga kung si Kent na yun.  Papagalitan ko ba siya o tatanungin muna kung bakit di siya naka-attend sa club recruitment para tulungan kami? Ayyyy! BAHALA NA.

Nagtataka na siguro kayo kung bakit ganito ako makareact. Sino nga ba si Kent sa buhay ko?

Kent Cho ang ultimate crush ko since 1st year at ang guy bestfriend ko since elementary. Cute at stylish, mahilig magsuot ng iba't-ibang nerdy glasses. Matalino, maalam magdrums at katulad ko ring Half Korean maraming nagkakagusto dito pero marami ring nagsasabing di nila type si Kent dahil "nerd" daw kahit sa totoo lang ay gawa lang ng salamin niya yun. Ang mga magulang niya ang may ari ng isang Mall dito sa Pilipinas. Only child pero hindi maluho sa buhay at syempre siya ang Vice President ng Photography Club.

Hindi niya alam na may koooonting crush ako sa kanya. Wag kayong maingay ha? HAHAH.

 "HOY! Bubuksan mo ba yung pinto o ano? Di daw affected pero tulala naman nung sinabi kong nandyan na siya. tsktsk" pasigaw na sabi ni Tricia.

"Uhhm, come in." Di ko nalang pinatulan yung sinabi niya baka sabihin defensive pa ako.

Narinig ko na nagbukas yung pinto pero di ako humarap sa kanya kunwari busy ako sa pag-aayos ng mga ginamit kanina. Tama nga si Tricia, si Kent nga toh sa tunog pa lang ng mga sapatos at paglakad nito alam ko na. Pero parang hindi lang iisang paang naglalakad ang naririnig ko. Ah, baka si Tricia lang yun.

"Good Afternoon Guys! Guen, sorry kung di ako naka-attend ng recruitment kanina at di ko kayo natulungan ni Tricia. I was busy looking for someone na nalimutan ko na yung recruitment natin. Mianhe(sorry)" cute niyang pagkakasabi. 

"Ahh. Okay lang naman yun. Kaso sa susunod sana Kent be more responsible naman. Ikaw na nga lang yung lalaking officer sa club natin, mawawala ka pa." sinasabihan ko siya pero di pa rin ako humaharap sa kanya baka kasi mawala yung pagdradrama ko sa kanya. HAHA.

"I promise, di na mauulit. Ehh kasi naman ang hirap-hirap hanapin nitong kaibigan kong ito. Kung saan-saan nagsususuot." pabiro niyang sabi.

Teka? May kasama siya? Kaibigan o Ka-ibigan? Teka? Di pa ako ready. Panyo please. 

Unti-unti akong humarap sa kanya at humahanda ng tumakbo kung sakaling girlfriend nga yung tinutukoy niyang "kaibigan". 

Nanlaki ang mga mata ko at napasigaw habang tinuturo yung kasama niya . . .

"IKAAAAAW!" 

Sa dinami-dami ng pwedeng maging kaibigan ni Kent yung mokong na kaservice ko pa! Kapag may kamalasan nga namang taglay oh! Hindi pwede Kent! Yang lalaking yan?! NOOOO.

Can We Make It 'Til The End?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon