Chapter Six - Rainy Evening

9 1 0
                                    

This is going to be a short chapter for you guys. 

♥boonana

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"BEEEESSS! Tulala lang? Hay nako! Kung kelan dumating ako tska naman umalis si Kent mo." biglang bumungad sa may gate namin itong si Tricia.

Naalala ko nga pala na magtatambay daw siya dito sa bahay since wala naman akong kasama kundi si Yayang lang.

"Huh? Wala noh! Ang sarap lang kasing titigan nung ulan. Pumasok ka na nga! Ang lamig-lamig na oh."   ayoko ng malaman pa niya na may gusto talaga ako kay Kent, tama na muna siguro yung akala lang niya. Tama na muna siguro yun.

"Asus! Sige naaa. Di na kita lolokohin kay Kent at baka mamaya ma-inlove ka na nga. Mafriendzoned ka pa niyan. Di ako papayag noh." sabi niya sa akin habang pumasok na siya sa bahay.

"Ano namang naisipan mo at bigla ka nalang nagschedule ng pagtambay dito ha?" tanong ko sa kanya.

"Wala. I just missed you,  A LOT! Alam ko namang mahirap tumira ng mag-isa dito sa bahay niyo. Tapos nung bakasyon di pa kita nasamahan. Feeling ko tuloy may problema ka na hindi nasasabi sa akin." sabi niya sa akin.

"Sus! Drama mo ha! I'm okay. Mas maayos na yung malayo ako sa mga busy na tao just like my dad. Si kuya naman simula nung nagtrabaho nawawalan na rin siya ng time sa akin. I already told you the reason Tricia, kailangan ko pa bang ulit-ulitin?" 

"Teka?May tanong ba ako dun sa sinabi ko kanina at may sinabi ba akong ulitin yung rason mo kung bakit pinili mong tumi. . . ARAAAAAY!"

Binato ko sa kanya yung unan! Nakakabwiset oh. 

"Wala akong problema. Namimiss ko lang sila kahit na di nila ako masyado iniintindi nung nasa Seoul pa lang ako. Lalo na si Kuya. That's all." habang nakatingin ako sa unan na hawak ko.

"Ohhhh. You should call your oppa(older brother). Malay mo pwede ka pa la niyang saglitin dito sa Pilipinas. Alam ko namang di ka nun matitiis noh. Ikaw lang naman ang ayaw na papuntahin siya dito kahit gusto na ng kapatid mo." 

"Sayang pamasahe. Tsaka nalang kapag graduation na natin." paliwanag ko sa kanya.

"Hay nako Guen! Anggulo mo talaga kausap. Btw, nakita ko si Josh kanina! Grabe! Yung sasakyan niya dagdag pogi points. Ang gwaaapo!"   Ano ba talaga tong babaeng toh. Kanina mukha concern na concern sa akin tapos ngayon yung mokong na yun ang isasama sa usapan. -.-

 Madami pang kwento sa akin si Tricia, mga kwentong hindi na dapat kinekwento ay ikwekwento pa rin. Hahaha. Pero dahil mahal ko tong bespren ko, gora lang ako sa pakikinig.

Hanggang sa lumipas ang magdamag at nakatulog na kami..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Can We Make It 'Til The End?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon