Chapter Five - Kasungitan Day

53 2 2
                                    

Dahil, tinatamad pa akong gumawa ng reaction paper ay sinisipag naman akong mag-update.

Isang lame na chapter. HAHA.

♥boonana 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Guen's POV

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

Umaga na naman. May pasok na naman.  Ang lakas pa ng ulan, sarap pa tuloy matulog neto. Haaayss. Sana bakasyon na lang ulit -.-

Bumangon na ako pumuntang CR para maligo kahit ang lamig-lamig na sa labas. Nagbihis at kumain.

As usual si Yaya Lucy na naman ang naghanda ng umagahan ko. Ehh sino pa ba? May iba pa ba akong makakasama dito sa Pilipinas. Si Daddy nasa Seoul at yung kapatid ko naman ay nandun din dahil nagtratrabaho na rin siya sa Lee Corporation.

Ang tahimik ng umaga ko. Tila pagpatak lang ng ulan ang naririnig ko. 

"Anak, tapos ka na bang kumain? Mala-late ka na oh." biglang sabi ni Yaya Lucy. Anak na rin kasi ang turing nito sa akin dahil simula nung nawala si mommy, siya na rin naman halos ang nag-alaga sa akin.

"Matatapos na po Yaya. Hinihintay ko lang po yung service ko." Speaking of service. SUSME! Kaservice ko nga pala yung mokong na Lee na yun. Masisira na naman ang umaga ko oh.

*Beep! Beep!*

Ayan na nga. -.-

"Alis po ako Yaya." madali kong pagkuha sa bag ko at sabay labas.

"Cge ingat ikaw anak ha." pasigaw na sabi ni Yaya Lucy habang papalabas na ako ng bahay.

"Good Morning Kuya Bert! Pasensya na ha, medyo nadala ata ako." mahinhin kong sabi sa driver.

Umupo na ako sa sasakyan at dali-daling sinuot ang jacket ko. Anlaaameg.

Habang nakatingin ako sa bintana ay nadaanan na naman namin yung isang bahay na sobrang laki na mala-mansyon sa ganda. Pero unti-unti naman itong nawala sa paningin ko. . Tekaa?! Bahay yun nung mokong na yun ah. Nakalimutan ata ni Kuya Bert si Mokong Lee.

"Kuya Bert! Nalimutan niyo po atang daanan yung Lee Joshua? Yung bago naming kaservice." pagtataka kong sabi.

"Ahhh. Si Mr. Lee? Nako, tumawag sa akin kahapon di na niya kailangan ng service. Sa tingin ko ay may sasakyan na ata." sabi ni Kuya Bert

"Huh? Ahhh. Ganun ba." HAHAHA. YESH! Wala na akong kasusurahan tuwing umaga. Thank you Lord! Pero sariling sasakyan? Mukhang mayaman nga talaga tong mokong na yun. Mala-mansion na bahay tapos may sariling sasakyan? Wow lang ha? Pero ang ugali, yanong cheap. -.-

At tumigil na yung sasakyan. Bumaba na ako at hinintay si Tricia sa may lobby ng school. 

Nang biglang may nakita ako sa may labas na isang magandang sasakyan na tumigil sa may gate.

"Bessss! Musta? Natapos mo bang basahin yung mga application forms?" biglang sabi ni Tricia pero di ako nakasagot dahil nagtataka pa rin ako dun sa kotseng luxurious. Lamborghini Gallardo Spyder? Oo, yun nga yung sasakyan na un! Nakita ko yun sa TV ehh.

HAHAH, BANO ako, okay? Sino kayang sakay nun. Oo, mayaman ang mga estudyante dito pero ang magdala ng ganung sasakyan? 

"HOOOY GUEN! ANO NA? HELLLO?!" sigaw ni Tricia habang kinakaway ang kamay niya sa harap ng mukha ko.

Can We Make It 'Til The End?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon