"One glass of water nga miss, tapos pa refill ako nitong gravy, thanks!" sabi ko with matching smile pa sa lips kahit na nakakahiyang pang limang beses ko ng humingi ng refill sa gravy. Eh bakit ba? Ang sarap kaya ng gravy dito sa Mcdo, kung di nga lang masarap ang gravy dito hindi ako dito tatambay eh.
After kong makuha yung gravy at tubig , nagmadali agad akong bumalik sa upuan ko sa takot na baka hindi ko na naman makita yung inaabangan kong tao. hayss. Hanggang kailan ba ko titig ng palihim?
Ganto ang routine ko almost everyday. Papasok sa school, aasang makakasalubong ko saya kahit na nasa magkaibang school kami. Darating ang dissmisal tatambay sa convenience store na lagi nyang dadaanan. Pag weekend naman tatambay sa mcdo kasi lagi syang nandun.
Buti nga hindi nya napapansin na lagi akong nakaaligid sakanya. Hindi naman niya kasi ako naalala. Ilang years na ba tong feelings kong to? 4? 5? hays. ewan ko. Basta ang alam ko gusto ko siya. Oo gusto ko lang sya. Ewan ko pero para kasi sakin, isang beses ka lang maiinlove sa buhay mo. At yun ay dun sa The One or dun sa True Love nilang tinatawag. So kung hindi ka pa sure kung sya na si the one, ibig sabihin gusto mo lang sya. Wala pang love. Ganon.
Ay hala! ayan na sya omygosh. Pasimpleng ayos sa buhok kala mo talaga mapapansin eh no? Hays. Bakit ba kasi takot akong mang approach? Parang ang unreachable niya kasi? Alam mo yun? Yung siya andamin niya ng ex, tas lahat ng yon puro mga sikat pa. Eh ako? Walang experience sa kahit ano, Isa pang loser. Normie.
Sino kayang inaantay niya? Haaay ang pogi niya sa suot niyang sweatshirt punyeta. Pano naman kasi ako magmumoveon sayo kung ganyan ka gwapo diba? Lord! kailan mo ba ibibigay sakin si Clint? Huhuhuhuhu.
Napalingon ako sa may pinto ng Mcdo nung makita kong lumingon si Clint don. Pucha. Bat nandun si Bella? Siya ba ang current girlfriend ni Clint? Okay so another Queen B na naman ang jowa ni Clint. Kailan kaya ako mahahanay sa mga magagandang babaeng yan?
Niligpit ko na ang gamit ko at sinuot yung bag ko. Aalis na ko dito bago pa ko makakita ng mga bagay na pinapangarap ko kasama si Clint. Haay. Pano ba mag move-on? Tanginang puso naman kasi to.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA magkakagusto nalang sa gwapo, sikat, matalino pa. Taas ng standard ah?
Agad kong niligpit yung mga gamit ko, wala na rin namang sense na tumambay pa rito eh wala na rin yung dahilan kung bat ako andito, hays. Lumabas ako ng mcdo at tinignan kung andun pa ba sila. Hay, buti nalang wala na. Ewan ko ba. hirap kasi talaga akong kumilos pag andyan siya, kasi baka may gawin akong katangahan alam mo yun? hehehehe.Agad akong pumara ng tricycle at sumakay, "Manong sa may jujujujujujujujujuju st po"

BINABASA MO ANG
U N T I T L E D [ o n - g o i n g ]
AcakYour life is your own story. Your own fairytale and Your own creation. You are the author of your own book. But in this book written by you, Do you know what will happen? Do you know the plot of your own life? Do you know the choices that you, the...