Isa-isa ng bumaba ang lahat ng nakasakay sa jeep. Hindi humiwalay ang takot sa dalawa. Ramdam nya ang mahigpit na hawak ng kamay nito kanyang kamay. Ang ibang mga kadalagahan naman ay panay ang hikbi at iyak sa takot. Si Kapitan Omay naman ay mababanaagan ng pangamba lalo sa kaligtasan ng mga kasama.
" Mga Pre, ako lang naman ata ang pakay nyo, wag na natin idamay itong mga inosenteng kasama ko. " pakiusap ng butihing kapitan.
" Hwag kang maingay kung gusto mo pang mabuhay, sge sama sama kayong sumakay ng van!! " asik ng isang mamang may hawak na armalite na nakatutok sa mga kabataan
Naunang sumakay si Kapitan Omay kasunod nito ang mga barangay tanod na kasama nito. Pasakay palang sila Mirah ng bigla my putok ng baril na umalingawngaw.
Halos sabay sabay silang umupo. Bigla ang pagkakayap sa kanya ng binata na kinatumba nila pareho. Ngunit walang oras para magalit or matuwa sya dahil nasa panganib ang kanilang buhay.
" Pangako, Mirah hindi kita pababayaan, I will protect you with my Life " bulong nito sa kaniya. Hindi maintindihan ng dalaga pero nagbigay ng lakas sa kaniya "
Isa-isang bumagsak na ang mga armadong lalaki. Narinig nila ang mga sigaw ng mga sundalo sa paligid. Sa kabutihang palad may nag tip sa mga ito ang plano na
pagdukot sa kapitan ng barangay. Ito ang grupo ng notorious druglord sa kanilang lugar, kaya't mula sa selebrasyon palang sa bahay nila Rafael ay nakabantay na ang mga ito.
" Kapitan Omay, ayus lang po ba kayo? " tanong ng isa sa mga nagligtas sa kanila. Habang ang iba naman ay tinignan ang mga kabataang kasama ng butihing kapitan.
Ang mga kabataan ay walang nasaktan ngunit si Kapitan ay natamaan ng isang ligaw na bala sa gitna ng putukan kanina. Maging ang mga tanod na kasama nito ay wala rin nasaktan. Kaya madali nilang dinala ang biktima sa ospital. Hinatid na rin sa kaniya kaniyang tahanan ang mga kabataan.
Si Mirah naman ay lubos ang pasasalamat sa kaligtasan nila at pagkakadiskubre ng kaniyang damdamin sa binata. Halos ayaw nga syang iwanan nito, napilitan itong umalis nung nangako ang dalaga na magkita sila muli.
BINABASA MO ANG
SI KONSEHAL AT SI MISS SUNGIT
RomanceSi Rafael ang pinakabatang konsehal na hinahangaan ng napakaraming dalaga at si Mirah isang volunteer worker ng barangay. Nagkatagpo sa isang activity sa kanilang barangay, tila masungit kaya kayang paibigin ng binatang konsehal ang masungit na dala...