Pagkagaling ng outing nagsimula ang kanilang walang sawang sweetness sa isa't isa. Sa pagkagising sa umaga text messages , mga calls and mga pm or private messages na tila kahit dalawang taong bata ay naitindihan ng mga makabagong lenguwahe ng makabagong panahon. Tulad ng download, OL or online, wifi net at samu't sari pang salita na naitindihan lalo ng mga kabataan sa ngayong panahon.
" Hay, pagibig nga naman.. " umpisang panunukso ni Shaira.
" Oo nga, edi Wow!!! " sabay apir ni Carla at nagtawanan ang mga kaibigan ni Mirah. Samantalang ang dalaga ay tila walang naririnig habang binabasa ang mga messages ng binata sa kaniya. Ito ay nasa isang seminar, kasama ang kanilang buong saggunian barangay.
Ganito pala ang inlove tila may mga maliliit na kilig at saya ang nararamdaman ni Mirah na tila ayaw nya matapos.
Natapos ang summer at nagbalik na sa kaniyang mga pasok ang mga magkakaibigan. Si Mirah bilang isang community nurse sa isang NGO Samantalang sila Shaira at Carla ay nagumpisa ng mag trabaho sa isang call center katatapos lang nila magtapos ng kanilang 4 year course. At si Keren Kaylee at Armi naman ay nasa huling taon ng kanilang kurso engineering.
Makalipas ang araw, buwan at umabot ng taon tila ang relasyon ng dalawa ay mas lalong lumalim dahil siguro pareho matured na ang dalawa sa pagiisip. Lumipas pa ang mga taon at sila ay naka dalawang taon na mula ng sila ay magka intindihan nung summer na iyon. Tila ang mga kaibigan ni Mirah ay naghihintay na lang araw para sa pag propose ng binata sa dalaga.
Malapit na kasi dumating ang ikalawang taon anibersaryo ng dalawa. Kaya walang sawa sa kilig ang mga kaibigan nya sa ngayon ay pawang mga nag work na mga kilalang kumpanya. Si Mirah naman ay ayaw mag assume or mag expect ngunit sa puso nya andun ang pag asam na dumating ang panahon na kaniyang inaasam. Tanggap naman ng pamilya ni Mirah si Rafael dahil bukod sa mabait ito at kilala sa kanilang lugar ang pagiging mahusay at magaling na konsehal. Tila nga ang lahat ay naghihintay sa hakbang ng binata.
Dumating ang araw ng kanilang date dahil anibersaryo nga nila naisipan ng dalawa na bumalik sa resort na kanilang pinuntahan noon sa Tarnate Cavite. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay naghanda na ang binata sa pag propose ng kasal. Kaya ang mga kaibigan ni Mirah ang naghanda ng lugar habang nasa biyahe ang dalawa patungo sa resort nakahanda na ang isang lamesa sa tabing dagat. Isang red carpet na pinaulanan ng mga petals ng mga bulaklak at mga mumunting baloons sa nga upuan at isang napaka romantic settings sa lamesa na nakahanda ang paboritong ulam ng dalawa. Mga seafoods tulad ng hipon , pusit at mga alimasag.
Pagdating sa resort ng dalawa. Hinilingan muna ni Rafael na lagyan ng takip ang mga mata ng dalaga para sa isang sopresa.
Kahit my munting kaba hinayaan ni Mirah akayin sya ng kaniyang konsehal sa tabing dagat at nang tinanggal na ang takip sa kaniyang mga mata. Tumambad sa kaniya ang mga hinanda ni Rafael sa tulong ng kanilang mga kaibigan. At nakita ni Mirah ang pagluhod ng binata sabay labas ng isang maliit na kahon na naglalaman ng singsing. Tila naiiyak pa itong hinawakan ang kaniyang kamay at nagsabi ng
"Will You Marry Me?? Wala ako 99 iphone mahal ko.. pero itong nagiisang puso ko lang ang nandito..."
Nanahimik ang lahat sa paghintay ng sagot ng dalaga sabay ang pagtulo ng luha nito.
" Ayoko ng iphone dear konsehal ikaw lang ang gusto ko saka android ang cellphone ko.." pagbibiro nito na ikinatuwa ng lahat
" yes, I will marry you my dear konsehal"
BINABASA MO ANG
SI KONSEHAL AT SI MISS SUNGIT
Roman d'amourSi Rafael ang pinakabatang konsehal na hinahangaan ng napakaraming dalaga at si Mirah isang volunteer worker ng barangay. Nagkatagpo sa isang activity sa kanilang barangay, tila masungit kaya kayang paibigin ng binatang konsehal ang masungit na dala...