Ilang buwan ang preparations sa kanilang kasal, Sa kaugalian ng mga Filipino na mamanhikan ang parientes ng lalaki sa pamilya ng babae. Napagkasunduan nila sa mismong beach resorts din idaos ang kanilang kasal. Nagpagawa sila ng imbitasyon para 200 katao dahil una'y si Konsehal Rafael ay maraming kaibigan mga kapw konsehal din at mga kapitan. Kinuha din nilang Ninong si Kapitan Omay at ang coach at adviser nila sa dati nilang Team Sixers sa basketball.
Isang routine check up para kaya Mirah ang kinagimbal ng dalaga. Isang katotohanan makakapagpabago at magbibigay ng tunay na kahulugan ng tunay na pagmamahal.
" May cancer ka sa dugo and its in terminal stage na. I am sorry... " sabi ng doktor na nag explain na mga nakita sa kaniyang mga laboratory test
HIndi nakapagsalita si Mirah andun ang mga katanungan sa kaniyang isip. Lalo ng sinabi ng duktor na maari lang sya mabuhay ng anim na buwan hangang isang taon. Paano na ang kaniyang kasal? Paano na si Rafael ? Paanu na ang kanilang relasyon?.. Masakit man isipin mahal na mahal niya si Rafael ngunit paanu nya masusuklian ang pagmamahal nito kung mawawala rin sya buhay nito. Hindi na sya makatulog ng araw na iyon. Wala syang sinagot sa mga tawag o text . Nagpunta sya sa isang lugar na malayo sa kahit kanino para makapagisip. Inabot sya ng magdamag nagisip at kinabukasan ay nagdesisyon kausapin ang kaniyang kasintahan. Nagkita sila sa isang coffee shop .
Alalang alala ang binata sa kaniya." Mirah.. may problema ba ? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag at messages ko ?
" May sasabihin sana ako sayo Rafael, ngunit bago iyon gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita at hindi ko pagsisihan na minahal kita at mamahalin habang buhay... "
" Alam mong mahal na mahal din kita Mirah "
" Huwag na nating ituloy ang k-kasal Rafael "
" H-ha ? Bakit ??? Bigla napatayo sa upuan ang binatang konsehal sa pagkabigla nandun ang sakit na makikita sa kaniyang mukha
" Mahal kita Rafael, ayokong masaktan ka "
" Masaktan ?.sa tingin mo anu ang ginagawa mo ngyon ??
" Hindi mo naintindihan mahal ko.. M-may sakit ako.. ?? Napayuko na ang dalaga at hindi na napigilan ang pag-iyak nito. Dali-dali niyakap sya ng binata.
" S-sakit ? Anung ibig mong sabihin?."
Pinaliwanag ni Mirah ang mga sinabi ng doctor sa kaniya. Habang taimtim naman nakikinig ng tahimik ang binata.
" Kapag itinuloy natin ang ating kasal masasaktan ka lang kapag wala na ako... "
" Mirah... Mirah Mahal na mahal kita handa ako kahit isang araw isang buwan o isang taon lang na.makasama kita. Pero pakakasalan pa rin kita. Mahal na mahal kita. Hayaan mong ipakita ko sayo ito.please Mirah.. "
Sabay sila umiyak at patuloy na nagyakap.
Bagama't masakit kay Mirah ngunit napatunayan nya ang tunay na pagmamahal ng binata sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SI KONSEHAL AT SI MISS SUNGIT
RomantizmSi Rafael ang pinakabatang konsehal na hinahangaan ng napakaraming dalaga at si Mirah isang volunteer worker ng barangay. Nagkatagpo sa isang activity sa kanilang barangay, tila masungit kaya kayang paibigin ng binatang konsehal ang masungit na dala...