KISS THE RAIN

5.6K 137 61
                                    

Natapos ang kasal ni Konsehal Rafael at Mirah, alam ng kanilang pamilya ang kondisyon ni Mirah, malungkot man ay tanggap at suportado nila ang mag asawa, They spend every minute na kanilang buhay sa isa't isa dahil alam nila na hiram lang ang bawat sandali,

Dumating din ang sandaling kinatatakutan ng binata, unti unti mababanaag na ang panghihina at pag bagsak ng katawan ni Mirah sa sakit, ngunit pilit nya kinubli ang takot at pinakita ang katapangan sa harap ng dalaga

" M-mahal , gusto ko maligo sa ulan.. "

" Ha ? Pero mahal, summer ngayon bihira ang ulan.. " hinaplos ng binata ang noo ni Mirah na noo'y nakaupo sa isang wheelchair at nakahilig kay Rafael.

" Alam mo ba, noon maliit ako gustung gusto kong maligo sa ulan, akala ko kase umiiyak ang mga anghel sa langit kaya umuulan, pinapayagan na ako kaya lang saglit lang kase nga naging sakitin din ako nuong bata ako... "

" Hamo, mahal, ipapanalangin ko umulan.. "

" Alam mo ba kung bakit gustung gusto ko rin ang ulan ?... alam mo kase mahal kapag nasa ulan ako hindi mo malalaman kung alin ang ulan at luha ko .... " natahimik si Mirah.. may bikig sa kaniyang labi na muling nagsalita ito.

" Rafael, Salamat ha? Kahit alam kong masasaktan kita sa pag alis ko pero pinilit mo pa rin mahalin ako.. "

" Tama na Mirah... , kahit isang saglit lang or isang oras , linggo, buwan o taon hinding hindi ko palalagpasin ang pagkakataon na mahalin ka.. Andito lang ako lagi hangang kung kailan niloob ng Dios na magkasama tayo.. Darating naman ang pagkakataon magkikita pa rin tayo.. .. Huwag mong isipin ako, kahit masakit at mahirap pero kakayanin ko para sayo... " Niyakap ni Rafael si Mirah buong higpit, tila isang panalangin na dininig ng Maykapal. Pumatak ng mahina ang ulan tila nakikidalamhati sa pagmamahal ng dalawang puso.

" Mirah... ! Umuulan na.. tignan mo mahal "

" R-Rafael.. gustong kong lumabas. " Tinulak ni Rafael ang wheelchair palabas sa garden. Doon ay lalong lumakas lalo ang ulan. Nabasa na ang dalawa. Yakap ng yakap ng isa't isa habang patuloy ang buhos ng ulan. Maya maya ay tuluyan ng lumaylay ang ulo ng dalaga tanda ng paglisan nito. Naramdaman ng binata ang pagtigil ng paghinga ng dalaga.

" Paalam , Mahal ko .. sa muli nating pagkikita."

Tumingin sa langit ang binata. " Tama ka Mirah hindi nga makikita ang pagluha ko sabay ng pagulan....

The end

June 26 2015

SI KONSEHAL AT SI MISS SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon