[16] Visit

52 3 2
                                    

KABANATA 16

Mabigat ang pakiramdam ko habang unti-unti kong sinasara ang pinto ng Practice Room. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Hindi naman ako ganito ah? Napatapal ako sa noo ko. Tila hindi ko na yata kilala ang sarili ko! Hindi kaya, may sumapi saakin na ibang espirito?

"Mimi!"

Nabalik ako sa realidad nang may kumalabit saakin mula sa likod. Nang lingunin ko iyon ay isang naka-ngusong Briana Therese Suarez ang sumalubong saakin.

"Uy! Bakit?" Tanong ko sakanya ng nakangiti.

Nameywang naman ito. "Kanina pa kita tinatawag ah!"

"Hala? Sorry, sorry! May iniisip lang kasi ako eh!" Hinging-paumanhin ko.

Ngumiti naman ito kaagad at sinabayan akong maglakad. "Okay lang. Ah, may itatanong lang sana ako sa'yo. I hope you don't mind?"

Tumikhim ako. "I don't mind at all. Ano ba 'yun?"

Bigla itong napakagat ng labi. Tila nag-aalangan pa itong magsalita. Tuloy ay naintriga ako sa kung ano man ang itatanong nya.

"Ah, aksidente ko kasing nakita kayo ni K-Kai kanina.." Panimula nito.

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Alin kaya ang nakita nya?! Sana ay hindi iyong "back-hug" thingy na iyon! Oh my!

".. m-magkayakap kayo. Itatanong ko lang sana kung.. K-Kung k-kayo na ba?" Dagdag nito ng hindi nakatingin saakin.

Napatingin bigla ako sa kanya. Nakatingin lamang ito sa sahig at kita ko ang panginginig ng labi nya. Napaka-see through talaga ni Briana. Ramdam na ramdam kong nagseselos sya.

Akmang magsasalita na sana ako nang bigla itong tumawa. "A-Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Kalimutan mo nalang 'yung tanong ko, Mimi! 'Wag mo nalang akong pansinin. Sorry kung naistorbo pa kita ha? Sige, una na 'ko! Bye!"

Pipigilan ko pa sana ito pero mabilis kaagad syang tumakbo at hindi inalintana ang paghalik ng pointed heels nya sa madulas na sahig. Napailing na lamang ako.

Halata naman sa kanyang nais nya talagang malaman ang kasagutan ko. Napayuko ako. Bakit ba kasi ginawa ni Kai 'yun? Eh paano nalang kapag may iba pang nakakita ng pangyayaring iyon at ma-issue pa kami?!

"Mimi?"

Napalingon ako sa tumawag saakin. Kaagad naman akong napangiti nang makita si Sehun. Naka-green t-shirt ito at maluwag na shorts tsaka pares ng Varemi Shoes. Nag-blend ang blonde nitong buhok sa pulang beanie. Ang gwapo nya talaga.

"Sehun!" Sambit ko nang makalapit na ito saakin.

"Ikaw pala ang kausap ni Briana kanina? Akala ko kung sino na." Saad nito.

Napangiti ako ng mapang-asar. "Aba, inii-stalk mo si Briana, ano? Ikaw ha!" Biro ko sakanya.

Saglit naman itong namula at nag-iwas ng tingin. "H-Hindi ah!" Tanggi nya.

Pabiro ko namang inikot ang mata ko. "Sus! Hindi daw?"

"A-Ah a-ano, saan nga pala ang punta mo?" Pag-iiba nito ng topiko.

Natigilan ako bigla. Saan nga ba ang punta ko? Eh supposedly naman ay nagpapahinga dapat ako ngayon. Sinilip ko ang wrist watch ko. Pasado alas-dos na ng hapon. Sayang ang oras kung uuwi ako ng bahay at magpapahinga lang.

"Ah, dadalaw nalang siguro ako kay Edlee. Wala naman akong gagawin ngayon eh." Sagot ko. Tama, doon nalang ako pupunta. Para naman hindi masayang ang oras ko.

Coffee StainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon