[23] Possessive

27 2 0
                                    

Some happenings will be posted in AVMHMH or TSBY. I need to part them 'coz you see, I'm kinda rushing WAM. Please bear with it. Thank you.

KABANATA 23

Sa pagpasok ng Setyembre ay naging abala na ang buong BTSS. Birthmonth kasi iyon ni Mr. Lee. Nagplano ang buong faculties na magtapon ng kaunting salu-salo para sa kanya, kasabay na rin ng pagyuko sa pagkapanalo ng EXO-K sa kakatapos lamang na Dance Fest sa Thailand. Busy ang parehong disciplines sa kani-kanilang inihandang presentasyon. Hindi naman magiging masyadong magarbo ang Party, pero sa isang Private Resort iyon ihe-held.

Everybody were busy, and so I am. Nagkaroon kasi ng seminar si Mr. Lee sa Taiwan kaya't napasa tuloy saakin ang ilang mga papeles na lalakarin para sa isang Record Label na siyang sister-company ng BTSS pagdating sa pag-angkin ng entablado. Halos hindi na nga ako makauwi sa bahay. Madalas ay nagpapalipas na lamang ako ng gabi sa aklatan upang mapadali ang mga gawain.

Nang sa wakas ay naayos ko na ang lahat ng mga papeles ay doon lamang ako muling nakalanghap ng sariwang hangin.

Dakong alas-singko ng umaga nang tumungo ako sa BTSS ng lunes na iyon. Nagkalat ang mga estudyante sa Quadrangle. Ang ilan ay nag-uusap-usap at may ilan ding nagi-gitara. Nang buksan ko ang Aklatan ay marami ang agad na pumasok at nanghiram ng libro. Umupo lamang ako sa aking table saka pinanood silang nagsa-scan sa book shelves. Sa paglipas ng oras ay bumigat ang mga talukap ko. Pinigilan ko ang nagbabadyang paghulog ng aking mga mata. Nabuhay lamang ang aking diwa nang umalingawngaw sa palapag ang malutong na halakhakan.

"Oo nga! Oo nga!"

Napatingin ako sa pinto at kaagad na umarko ang kilay. Iniluwa 'non sina Kai na nag-aakbayan. Abot-langit ang kanilang mga ngiti at tila tawang-tawa sa kung ano mang topiko mayroon silang dalawa. Nang lumapit sila sa mesa ko ay hindi pa rin humuhupa ang kanilang hagikhikan. Tuloy ay napalingon ang mga estudyanteng nagbabasa sa kanilang dalawa.

Pabiro akong umirap. "Incase you don't know, nasa Library kayo."

Pawari ay tumahimik ang dalawa at pinigil ang tawa. Nag V-sign sila pareho saakin at saka humalukipkip.

Tumikhim si Kai. "Ah, magpapaalam lang sana kami sayo."

Tumaas ang kilay ko. "Para sa?"

"I wanna spend my day with her. Kaya kung pwede sana ay saakin na lang muna siya sasabay na mag-Lunch mamaya?" Aniya.

Napanguso ako. So sino ang kasabay ko mamaya?

"O-Okay lang." Ibinaon ko ang mapait na tono.

Ngumiti si Kai at saka ipi-nat ang ulo ko. "Thanks Mhyrryl."

Thanks your face. Kung pwede ka lang na bugahan ng apoy.

"Sorry Mimi ha?" Ani Edlee sa nakokonsensyang tono.

Kaagad ko siyang hinarap at binigyan ng tunay na ngiti. "Okay lang 'no, ano ka ba!"

Lumitaw ang kanyang dalawang dimples sa ilalim ng labi matapos niya rin akong suklian ng ngiti. Dinungaw ko naman si Kai at nag-angat ng kilay sa kanya. Nagkibit-balikat lamang siya.

Sa kabila ng kasiyahan ko sa pagkakabati nilang dalawa ay hindi ko maipagkakailang may pait akong nararamdaman sa loob-looban. Sa tantsya ko ay dalawang linggo pa lamang magmula nang magkaayos silang magkapatid. Pero magmula nang araw na iyon ay mailap na ang pagba-bond namin ni Edlee. Noon kasi ay kahit na madalas ay maingat ako sa bawat orada ay hindi naman ibig-sabihin 'non eh nawawalan na kami ng oras sa isa't-isa. Hindi gaya ng ngayon na nag-iba na ang ihip ng hangin. Ni hindi ko na nga ma-kabisado ang mukha ni Edlee dahil hindi na kami gaanong nagkikita.

Coffee StainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon