[15] Bells

57 3 0
                                    

KABANATA 15

Binalot ang buong BTSB1 Practice Room ng isang napakahabang katahimikan. Tanghaling tapat ngayon at tirik ang araw. Sumilay ang mumunting sikat ng araw mula sa salaming dingding.

Walang imik ang EXO-K habang nag-eensayo. Gayundin ang buong BTSB2 Band. Tanging sina Taehyung at Edlee lamang ang liban. Magda-dalawang araw nang nasa Ospital si Edlee, at ayon kay Taehyung ay wala pa rin itong malay hanggang ngayon. Na-fracture daw ang kaliwang braso nito dahil sa aksidente, kaya't sa tingin ko ay hindi ito makakapagtugtog para sa Contest.

Alam kong importante sa kanya ang paligsahan na iyon. Pangarap nya ring makapagtugtog sa ibang bansa - according to her. At kung sakali ay ito na sana ang simula ng pangarap nya. Ito na sana ang umpisa ng pagbubukas ng pinto ng panambitan nya. Sayang. Sayang ang pagkakataon. Sayang ang lahat. Naaawa ako sa kanya. Triple siguro ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

Ihinilig ko ang ulo ko at saka napatingin kay Kai. Ano kaya ang nararamdaman niya ngayon? Ano kaya ang iniisip nya? Naaawa rin ba sya sa kapatid nya? Magmula kasi nang maaksidente si Edlee ay hindi pa ito nagagawi sa Ospital upang dalawin sya.

Pero madalas ay nahuhuli ko syang tulala o 'di kaya ay nakatingin sa BTS Building 2. And I think that maybe - just maybe - he is thinking of Edlee, of his little sister.

Napaiwas ako ng tingin nang salubungin ni Kai ang mga mata ko. Gusto ko sanang magalit sa kanya dahil sa ginawa nya kay Edlee. Mali man pero gusto ko syang sisihin sa sitwasyon nito ngayon. Kung hindi lang sana sya naging masama ay hindi na sana hahantong pa sa ganito ang lahat.

"Mhyrryl The Slave.."

Napanguso ako sa tinawag nito saakin. Ang hilig talagang mambinyag nito.

"Ano?!" I tried to sound mad.

Naramdaman ko ang pag-upo nito sa tabi ko.

"Samahan mo ako." Saad nito.

"At saan naman?" Pananaray ko.

"Sa tabi-tabi lang. Tara na!" Bago pa man ako umapela ay kinaladkad na ako nito palabas ng Building.

Ang akala ko ay tutungo lang kami sa Cafeteria o kung saan mang bahagi ng BTSS, pero laking gulat ko nalang nang mapagtantong sa Parking Area ang punta namin.

"Teka, teka!" Binawi ko agad ang braso ko mula dito.

"Saan ba kasi tayo pupunta? May practice pa kayo, diba?" Tanong ko.

Napangisi ito. "And since when did you started caring about Dance?"

Napaangat ang sulok ng labi ko sa sinabi nito. Why the hell is he jumping to conclusions? Napaka-babaw naman ng pang-unawa nito!

"Ako ang boss mo at ako ang masusunod. Baka nakakalimutan mo na ang tungkol sa pagiging slave mo? You have to obey me whether you like it or not, Mhyrryl." Buong-diing wika nito.

Palihim naman akong napairap. Sus.

"Oo na. Sasama na nga po diba?" Iirap-irap kong saad saka nagpati-una sa loob ng kotse nito.

Sya na ang nag-drive at ako naman ay tahimik lamang sa tabi nya. Namagitan saamin ang napakalakas na katahimikan. Umaalingawngaw ito sa buong sistema ko. Mukhang ultimo tunog ng paghinga namin ay wala kang maririnig. Napaka-pino.

Lihim akong nagpasalamat nang huminto na ang kotse sa isang parke. Ano kaya ang gagawin namin dito? Walang pasabi ay bumaba si Kai sa kotse at iniwan ako. Back to his usual self. Psh.

Nilipad ng malakas na ihip ng hangin ang itim kong buhok pagkababa ko. Maging ang orange hanging blouse ko ay ganoon din. Nakita kong umupo si Kai sa isang empty bench. Naglakad naman ako palapit sakanya at tinabihan ito.

Coffee StainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon