[24] Party

27 3 0
                                    

KABANATA 24

"I told you already to stay away from that guy."

Sa kotse ni Kai ay pigil ang aking hininga. Mula sa restaurant ay iniuwi muna namin si Edlee sa bahay nila, which is bahay ni Kai, bago nagmaneho patungo sa BTSS. Payapa ang biyahe pero hindi ang dibdib ko. Panay ang kalabog 'non sa bawat pagliko ng kotse. Hindi kami naglilingunan ni Kai. Ewan ko kung tama ba ang desisyon kong iwanan ni Min-Min doon at sumama sa kanya.

Hindi naman sa pinapaniwalaan ko na siyang masamang tao nga si Min-Min, mayroon lang talaga kasing kakaibang hangin na humihila saakin patungo kay Kai.

"G-Gusto ko lang naman sanang ayusin ang mga bagay sa pagitan namin eh." Sagot ko.

"Wala kang dapat ayusin, Mhyrryl. Putulin, meron." Aniya.

Bumuga ako. "It sounds rude kung basta-basta ko na lang siyang iiwasan."

"It's the right thing to do. Ano naman kung maapakan mo ang ego niya? Don't you get it? He's using you to get back to me dahil alam niyang malapit ka saakin." Tumigil ang kotse dahil sa trapiko.

"You can't be right all the time, Kai. Oo, kamakailan ko lang siya nakilala, but I've seen his side-"

"You can't be right all the time too. In life, fake seems more real than the truth, Mhyrryl."

Buong biyahe ay ipinagduldulan niya saakin na iwasan ko na si Min-Min. Ayaw ko iyon ngunit wala na rin akong nagawa dahil bantay-sarado niya ako. Ni isang kurap ay hindi siya nawala sa paningin ko sa mga sumunod na araw. Lagi ring nakamasid ang kanyang mapanuring mga mata sa bawat galaw ko.

Sa sumunod na linggo ay doon lamang siya medyo lumuwag-luwag. Malapit na kasi ang Surprise Party kaya't puspusan na ang ensayo ng EXO-K kasama nina Edlee, Taehyung at Briana. Mabuti lamang at hindi kasali si Min-Min sa sayaw nila. Dahil kapag nagkataon ay talagang gulo iyon. Hindi na rin ako madalas na pumupunta sa Dance Hall dahil may inaasikaso rin ako. Nagawi lamang ako roon upang isoli ang ID Card ni Sehun na nakita ko sa ilalim ng book shelf.

Nang pumasok ako ay masama ang tingin saakin ni Kai. Nagkataon kasi na nandoon din si Min-Min dahil nakikinood ito sa practice. Nang ngumiti ito sa akin ay hindi ko alam kung yuyuko ba ako o iiwas ng tingin. Sa huli ay sinuklian ko na lang siya ng ngiti. Ayaw ko naman kasing maging bastos. Sumimangot si Kai dahil doon.

Nang dumating ang Lunes ay dumomble ang gawain ko. Isa rin ako sa mga in-assign sa lupon ng paggawa. Naatasan ako sa Stage Decoration. Nakakapagtaka iyon dahil trabaho dapat iyon ng planner. Pero ang sabi ni Mrs. Lim na siyang pinakamatandang guro ay may sakit daw kasi ang planner.

Kabado ako habang idinidikta sa mga nag-aayos ang pinlano kong RUSHED na dekorasyon para mamayang gabi. Hindi naman ako maalam sa mga ganito at lalong wala sa dugo ko ang pagkamalikhain. Mabuti na lamang at napadaan si Briana at binigyan ako ng mga ideya. Mahusay siyang pumlano dahil aniya ay wedding planner ang kanyang ina. Naging maganda rin ang kinalabasan 'non kaya't labis ang pagpapasalamat ko sa kanya.

Dakong alas-otso na ng gabi nang magsimula ang Party. Naroon na si Mr. Lee sa entablado at panay ang kanyang pagpapasalamat sa mga dumalo at lalo na sa aming mga faculties. Suot ko ang kulay orange kong tube cocktail. Simple lamang iyon, disenyo ni Briana. Siya rin ang nag-ayos saakin kanina. Pinagmasdan ko sa Powder Room ang soft curls na nahuhulog sa aking balikat. Kulay light brown iyon.

Kasabay kong nagpagupit si Kai. Pero hindi kami sabay na umuwi. Ni hindi ko nga nasilip ang bago niyang hairstyle. Aniya ay nais niya raw akong ma-sorpresa and him as well. Kaya heto, pinapatay ako ng kyuryusidad ko sa kanyang buhok ngayon.

Coffee StainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon