PROLOGUE

6 0 0
                                    

Dear Sky,
Nandirito ako, nakatingin sa malayong mga bituin, umaasa na isa-isa silang mahulog. Umaasa na sana may bukas pa. Sana kaya ko pang harapin ang lahat. Sulat ko sa aking pinakamamahal ko na kaibigan, ang diary

Nakakalungkot isipin na sa kabila ng aking mga magagandang nagawa ay wala ni isa ang humanga sa mga ito. Wala ni isa. Palagi nalang hindi maganda para sakanila. Sana balang araw may makakita na ng halaga ko at halaga ng mga ginagawa ko.

Isa lamang akong hamak na ordinaryong babae, isang babae na nangangarap din makapagtapos ng pag aaral. Isang babae na naghahangad ng isang kahilingan na 'sana pag dating ng araw makita nyo naman ako.' Nandirito lang naman ako, pero bakit parang walang saysay ang pag tira ko sa mundong ito? Bakit tila sa kabila ng aking mga magagandang nagawa, e walang pumansin. Masakit isipin na simple lang naman ang hangad ko ang sumaya ako ng totoo. Pero bakit pinagkakaila pa? I do believe in miracle. 

"Ama..."

"Pangako, gagawin ko ang lahat para saiyo.. kahit na buhay ko pa ang kapalit nito."

DILIM SA KABILA NG LIWANAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon