'Shae Sky Li' ang aking pangalan. Sana katulad ng aking pangalan na sky ay magkaroon din ng liwanag ang aking buhay sa kabila ng mga kadiliman na paulit-ulit kong nararanasan.
~*~
"Ale! Bili na kayooooo"
" oh suki! Ano pang hinihintay mo? Tara na pasok na!"
"Wow ate, parang pumapayat kana yata? Ang galinggg."
"Gumaganda ka yata lalo, ate ah? "
Mga salitang paulit-ulit kong sinasabi para lamang ako ay makabenta. Hahaha. Sabi nga nila 'bolera' daw ako? Hmmmm. Ano nga ba? Totoo kaya yun? Ang gulo naman kasi nila e.
"Magkano dito, shae?........isa rin dyan....at doon.... " sabi ng aking pinaka mabait na suki. Sabi sayo e, hindi ako bolera.
"Ang isang kilo ay 120 php lang, suki kong maganda na mabait pa! " nakangiti kong sabi habang tinitimbang ang kanyang mga bilihin. Hahaha. Di ko maipagkakaila na may itsura din naman si suki, lahat naman may itsura... mag taka ako kung wala edi multo ka.
"Ay nako, shae! Bolera ka talagang bata ka.... o sge, isa pa nga nun... anong tawag dun?~~ isdang maganda po, aleng suki ko na maganda!"
"Hahahaha! Ang lupet mang bola nung babaeng kamukha ng isdang binebenta nya!"
"ano ba naman yan! Mukha namang bulok na yung mga isda nya. Paano naging maganda yun? E mas maganda pa nga ako sa isdang yun." Mga salitang narinig ko habang kausap ko ang aking magandang suki na mabait pa.
"Huwag mo nalang pansinin yun, shae. Ganyan talaga ang mga tao, kung may masabi sayo hindi naman maganda. Huwag kang papaapekto ha?"
Sabi ng suki kong mabait na maganda pa! San ka pa? Dito na! Atsaka huwag kang tumunganga dyan. Dito ka pumunta sa aming palengke!! At mamili ng mga magaganda naming isda.."Huwag po kayong mag alala sa'kin, suking maganda na mabait pa. Sanay na ako sa mga ganyang salita, nuba. Bata palang ako palagi na akong kinukutya. Palaging inaalipusta. At dun? Oo, masakit, mahirap, pero ano pa nga ba ang gagawin ko? Anak lang naman ako. Ni wala nga silang pake sa'kin na anak nila, e. Siguro, ito na talaga yung kapalaran ko, ang husgahan ng lahat. " malapit ng tumulo ang luha ko. Habang naalala ko padin ang mga pang aalipustang ginawa sa'kin nung bata pa lamang ako.
"Ang daldal mo naman, shae. Napapaiyak tuloy ang suki mong maganda na mabait pa.hays huhuhuhu. " sabi nya habang kunwaring pinupunasan pa ang mga mata nya. Hala, naniwala naman sya na maganda at mabait sya hahaha. Sabi sayo hindi ako bolera, e. Malinis lang ang aming palengke.
"Magkano na ba lahat, anak?" Hindi ko talaga sila maintindihan, hindi ko naman sya nanay, e. Pero bakit tinatawag nya akong anak? Huhuhu siguro anak nya ako sa labas ng tyan nya no? Huhuhu.
"432.75 php lang po, nanay ko" tinawag ko na din syang "nanay" ko para naman hindi sya kawawa. Mahirap kaya na hindi mo susuklian ang sinabi nya. Hahaha. Nauto yata ako nitong si aleng maganda na mabait pa, ah!
"Hahahahaha! Nakakatuwa ka talagang bata ka, sa kabila ng lahat ng mga paghihirap na nararanasan mo nakukuha mo pang magbiro." Sabi nya. Pero ha? Kanina sabi nya "anak" nya ako ah? Ngayon bata nalang ang tawag sakin? Huhuhu ang bilis naman. Sabi na wala talagang may gusto sa'kin, e. Huhuhuhuhu. Tsaka hindi naman ako nagbibiro dun sa presyo nya, ah! Niloloko yata ako nito para makabawas ng presyo ng bilihin nya, e!
"O sge po, tanda 432 php nalang hehehe" ayan! Patas na kami sya si tanda ako si bata. Huhuhu tinawag nya kasi akong bata, e! Hindi na naman ako bata. Huhuhuhu. Minsan talaga hindi ko sila maintindihan.
"Anong sabi mo!? Tanda!? Ako!? O sge! Hindi ko na bibilhin yan! Makalayas na nga! *death glare*" waaah! Huhuhuhu. Binawawan ko na nga ng .75 cents yung binili nya, e! Hindi naman pala nya kukunin. Huhuhuhu. Yare nanaman ako nito, e. Baka wala akong kitain huhuhuhu!
"TABE!!!!!"
"MAGSILIGPIT NA KAYO!!! NANDYAN NA ANG MGA PULIS!!"
"KUKUNIN NANAMAN ANG MGA PANINDA NATIN!!"
Eeeee. Ano daw? Sinong panda ang kukuha sa mga pulis? Gusto ko din ng pandaaaaaa! Teka! Sundan ko lang yung pandang sabi nila hihihihi.
20 MINUTES na ang nakalipas simula iwan ko ang aking mga paninda para lamang dun sa mga pandang yun! Huhuhuhu!
"Yes chief, nandito nga......opo opo....ah ganun po ba? .....mukhang may tama nga to sa utak, panda ba naman daw ako?.....haha siraulong babae to. " narinig kong sabi nung panda na hanap ng pulis. Sino kaya yung sinasabihan nyang sira ang ulo? Buti nalang pala buo ang ulo ko edi malamang hindi ako yun! Yey! Oo tama nandito ako sa polisi tation hehehe. Nakakaenjoy nga e, mga mukha silang panda lahat yiiiii!
"Magandang tanghali, nasan na po iyong anak ko?!..... oo, ganyan sya kataas.....oo medyo may kulay brown ang mga buhok nya.... ah sge salamat po. " nako, mukhang si tatay yun ah? Mahilig din ba sya sa mga panda? Waaaah! Sabi ko sainyo e mahilig sya. Tingnan mo kausap nya yung panda hahahaha.
"Walangya kang bata ka talaga!!!! Ano nanaman bang pinaggagagawa gawa mo!!!! Humanda ka saking bata ka sa bahay!! Malilintikan ka sakin!"
Sanay na ako sa mga ganyan mo, tatay kong mahilig sa panda. Simula bata palang ako palagi mo na akong binubugbog, natural masasanay ako. Ito yung sinasabi kong kahit kelan hindi ko magawang maging masaya. Saglit ko pa nga lang nakikita yung mamang panda nayun eh huhuhu! Nakakaiyak tuloy! Ano kaya yung lintik? Hahaha kung sa math palaging hinahanap si X ito naman si tatay palaging hinahanap ang lintik.
~~~~~●
"H4Y*P KANG BATA KA!!! KELAN KABA MAG TITINO!!? *hampas sinturon sa braso.*
"Tama na po tayyyyyyy!!!! HuhuhuhuhuAm!! Nasasaktan na ako!!"
"MASASAKTAN AT MASASAKTAN KA TALAGANG BATA KA KAPAG HINDI KA TUMINO!!! ISIP BATA!!! SALOT KA SA BUHAY KO KAHIT KELAN!!!! "
*HAMPAS* *TADYAK* *SUNTOK*
Nako. Huwag kang magalala sakin palaging ganyan naman ang ginagawa sakin nyan. Nakakatuwa no? Ito kasi bonding moment namin. Palagi kaming ganito. Bugbog dun, bugbog dyan. Kaya puro pasa nanaman ang mga may galis kong balat. Pero hayaan mo na parehas naman kami ni tatay na mahilig sa gumagalaw na panda hahaha.
A/N: Hello mga ka panda! Sama-sama nating tuklasan ang buhay ng isang batang mahilig sa pandang gumagalaw. Mag iiwan ako ng tanong.....Bakit kaya ganun nalang palagi saknya ang tatay nya? Bakit palaging galit at palagi syang binubugbog?
Comment ka lang! Free lang yun walang bayad! Hahaha. Enjoy reading! (^_^)
Godbless! :>
BINABASA MO ANG
DILIM SA KABILA NG LIWANAG
Teen FictionSana balang araw maranasan ko din sumaya katulad ng iba. Sana kahit minsan magkaroon ako ng isang kaibigan na maasahan sa lahat. Sana may bukas pa para sa'kin. Alam kong masaya ang mabuhay, pero bakit ako? Buhay pero parang patay dahil kahit kelan h...