CHAPTER 2

7 0 0
                                    

Shae's PoV

"Dear sky, palagi nalang ganito, no? Ang hirap na. Minsan alam mo? Gusto ko na sumuko. Hindi ko na alam gagawin ko. Simula bata ako, nandirito na palagi yung bestfriend natin, sky. Ang mga pasa ko. Nakakalungkot isipin na kayo lang yung mga kaibigan ko. Yung isa na napaglalabasan ko ng sama ng loob. At yung isa naman na dulot ng sama ng loob. Oo alam ko naman na ganito na yung kapalaran ko. Pero sana, matutunan din akong mahalin ni tatay. Ang tingin ko nga sa sarili ko hindi isang anak nya kundi isang katulong niya. Alam kong ito yung responsibilidad ko bilang anak nya... pero tao din naman ako.. nasasaktan.. at oras-oras pwedeng-pwede sumuko.. ang hirap kaya lumaban, wala naman kasi ako kalaban. Edi nagmukha akong baliw diba? Kung lalaban ng wala namang kalaban. Palagi kong tinatanong sa sarili ko, kung bakit hindi ako magawang mahalin ni tatay. Kung bakit hindi nya ako maturing na anak nya. Bakit ganun? Masakit kasi, sky and bruise. Gusto ko nalang bumalik sa sinapupunan ni mama, siguro doon hindi ako magkakapasa, hindi ako masasaktan, hindi ako mahihirapan, siguro doon masaya ako.. nakakain sa tamang oras, nakakatulog sa tamang oras.. paano ba bumalik sa sinapupunan ni mama? Turuan nyo naman ako. Para naman hindi na ako naghihirap dito. Pero hayaan na.. sanay na din naman ako. Basta smaile (smile) lang alweys (always) para kahit papaano maitago ko lahat ng mga sakit sa likod ng pag ngiti. Bye muna sky and bruise ha. May gagawin pa ako, e.

- shey "

-------

"Aba't! Napakatigas talaga ng ulo mo, no?! Anong ginagawa mo ditong walang kwentang bata ka!? Salot ka!" Sabi ni tatay habang dinuduro duro ako. Ang sarap sa pakiramdam no? Haha. Aylabyutu tay. Kapag ganyan sya iniisip ko nalang sinasabihan nya ako ng "iloveyou anak kong maganda"

"Gusto ko lang po manghingi ng paumanhin, tatay... pasensya na po sa lahat.. sa kabila ng mga paghihirap ko na hindi nyo nakikita. Yung halaga ko na tinapon mo. Tatay, patawad po. Hindi na mauulit. " konti nalang iiyak nanaman ako. Hay.. nay? Nasan kana ba talaga? Gusto na kita makita.

"ANG LAKAS NAMAN NG LOOB MO HUMINGI NG PATAWAD SA KABILA NG MGA KALOKOHAN MO?! ALAM MO? HINDI KA BAGAY DITO! TSK SANA PALA TINAPON NALANG KITA PARA WALA NANG PABIGAT SA BUHAY KO! PABIGAT KA! SALOT! WALANG KWENTA! UMALIS ALIS KA DITO SA PANINGIN KO AT BAKA HINDI KITA MATANSANG BATA KA!! HUWAG NA HUWAG MO AKONG KAKAUSAPIN AT TATAWAGING TATAY! DAHIL WALA AKONG ANAK NA KATULAD MO NA SAKIT SA ULO AT PABIGAT!" Tay? Pasensya na talaga...

"Ah.. kumpare! Ano bang gusto mong gawin ko para naman maging magaan na ako saiyo?" Lahat naman na ginawa ko. I tard my bist ( i tried my best) pasensya na talaga.

"ABA!!! WALANGYA KANG BATA KA TALAGA! HINDI KITA KAILANGAN SA BUHAY KO!!! LUMAYAS KA SA PANINGIN KO!!!!!!!! *walk out* "

Teka? Sabi nya kanina lumayas ako sa paningin nya? Pero bakit sya ang umalis? Dapat ako yun,e! Ang daya ohh. Nawalan tuloy ako posur (exposure) haynako... sa susunod na nga lang ako mag wo-walk out inunahan ako nito ni tatay.

-SCHOOL-

"Waaaaah! Habulin mo ako! "

"HAHAHAHA! hintayin mo naman ako. Ang beles me keshe e!"

"San mo dadalhin yang tray?"

"Sa hardware, try mo."

Ang sarap pagmasdan ng mga batang naglalaro.
Oo tama ka, hindi ako nag aaral.. ayaw kasi akong pag aralin ni tatay kasi wala naman daw akong matutunan dahil nga bobo daw ako. Ang talino ko kaya. Partida hindi pa ako nag aral nyan ha.

-FLASHBACK- ( 12 years ago)

"Itayyyyyyyyyyy! Tingnan nyo po iyon, oh! Kelan po ba ako mag aaral?"

DILIM SA KABILA NG LIWANAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon