ACIAI Chapter 12 : Anong ibig mong sabihin?

200 12 26
                                    

Jean's Point of View

Sa ngayon hindi pa rin ako mapakali, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa oras nito. Talaga bang isusuko ko na ang V ko? Kung sakaling yayain na ako nito? Hindi ko alam kung ano ang gagawin. 

" Jean! "

" Patay " - napapikit na sambit ko

" Ha? Anong sinabi mo? "  - siya

" Ahhhmmm... Wala " - ako

Agad niya naman akong hinablot at tumakbo palayo. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa hukinto siya malapit sa dagat. Tumingin ito ng napakalayo.

" Gusto mo pa bang umalis sa islang to? " - Tao

" Oo naman nuh, siyempre lahat tayo inaasam-asam na makaalis sa islang to diba? " - ako sabay lingon sa kanya na kasalukuyan paring nakatingin sa malayo.

" Pwera ako ! " - seryoso niyang sambit

" Ha? Anong ibig mong sabihin?"  - nalilitong tanong ko

" Kung ako ang tatanungin , parang ayaw ko na. Sana dito nalang ako. Dahil dito kasama ko ang babaeng matagal ko ng hinahanap. Ang babaeng nagpatibok ng puso ko." -siya

Totoo ba to? May mahal siyang iba? Pero ba't sa'kin niya sinabi ang lahat ng ito? Binabalak ba niyang iwan na ako at sumama sa babaeng tinutukoy niya? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Basta ang tanging alam ko lang ay kinakabahan ako. At ewan ko kung bakit.

" Alam mo ba, hindi ko inakala na mahuhulog ako sa kanya. Wala akong kamalay-malay na inlove na pala ako sa taong 'yun. Ang babaeng isang malaking pagsubok. Napaka-unique. Ibang-iba sa mga babaeng nakasalamuha ko. " -siya

Lumingon ito ng napakaseryoso sa'kin. Hindi ko alam kung paano mag-react. At patuloy lang sa pag-pintig ng napakabilis ang puso ko. Inabot niya naman ang dalawa kong kamay na kinakabahan din.

" At ikaw Jean! Mahal na mahal kita Jean! Patawarin mo sana ako kung ngayon ko lang ito nasabi. Pero pinapangako ko Jean, mahal na mahal talaga kita Jean! " -naluluhang sambit nito.

Para akong tuod dito na walang kaimik-imik. Siguro gulat na gulat lang ako ngayon. At ayaw pang magsink-in sa'kin ang mga sinasabi niya. Hindi naman sa ayaw ko, hindi ko lang talaga alam kung ano ang gagawin.

" Okay lang kung hindi mo pa kayang sumagot. Naiintindihan ko " - malungkot niyang sabi

" Halika ka, bumalik na tayo " - dagdag niya

Napatango na lang ako sa kanya. Hindi ko parin magawang magsalita sa mga panahong ito. Litong-lito na ako sa mga pangyayari.

Tao's Point of View

Alam kong galit na galit kayo sakin dahil sa mga pinaggagawa ko kay Jean pero hindi ko lang kasi mapigilan. Gusto ko akin lang siya. Akin lang! Mahal ko si Jean. At galit na galit ako ngayon kung bakit ngayon ko pa lang napagtanto. Isa talaga akong malaking gago.

" At ikaw yun Jean! Mahal na mahal kita Jean! Patawarin mo sana ako kung ngayon ko lang nasabi kahit naging tayo na nuon pa. Pero pinapangako ko Jean. Mahal na mahal kita. " - naluluhang sambit ko

Takot ako ngayon. Lalo na't alam kong wala siyang pagmamahal sakin na  sinagot niya lang ako bilang kapalit nung iniligtas ko siya kay Baekhyun. Alam ko yun, alam ko lahat yun.

" Okay lang kung hindi mo pa kayang sumagot. Naiintindihan ko " - malungkot kong sabi

Hindi niya magawang makapagsalita. Siguro dahil gulat na gulat pa rin ito.

" Halika na, bumaliknna tayo! " - pagiiba ko

At tumango naman ito kaya dinala ko na siya pabalik. Hindi ko alam pero ano manh oras alam kong tutulo ang mga luha ko. Nababakla na nga yata ako nito eh.

Ilah's Point of View

Ano ba yan? Papansin talaga tong si Kram kahit kelan. Papansin pa kay D.O pati ba naman kay Chanyeol? Ano bang gusto niyang palabasin?

Kaimbyerna talaga! Kahit nung Dare Game namin nuon ay kay Kram lang palagi ang atensyon ni Chanyeol at hindi ang ako na partner niya. Nakakainis talaga! Di hamak naman na mas maganda at sexy ako kay Kram.

Mapuntahan nga.....

" Hello Chanyeol " - sambit ko ng may pang-aakit sa tono

" Ah una na muna ako Chan ha? May gagawin pa kasi eh! " - Kram

At umalis na nga siya. Mabuti naman ng masolo ko tong lalaking to. Inilagay ko naman ang kaliwang kamay ko sa beywang niya at hinahaplos-haplos ang mukha nito.

" Kamusta ka? " - ako na may halo pa ring pang-aakit sa tono

" Okay lang naman " - siya at agad na umatras kaya napabitiw ako sa kanya

" Alis na ako Ilah ah may gagawin din kasi ako eh. Bye! " - siya at agad na umalis

Kainis talaga tong gagong to. Hindi man lang naakit sa alindog ko? Ako na nga tong kumikilos tas siya pa tong ayaw? Kainis naman oh! Bwiset!

( A/n : Sorry kung natagalan. Sobrang busy lang lang kasi swear! Huhu. Hope you all understand. Message me if you like! I'll entertain. Vote, Vote, Vote, Comment, Comment, Comment. Thanks for reading  - Kyungbeh )

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Oct 29, 2014 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Accidentally Crashed In An Island ( EXO FANFICTION )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang