Chapter 10: Confession

19 4 4
                                        

Ellen's POV

"Naka sampung missed calls na yata ako kay Miho pero hindi niya sinasagot tita." Pagrereklamong sabi ko habang patuloy parin sa pagtawag kay Miho.

"Hija, hayaan mo muna si Miho mag focus ka sa Play." Sabi naman ni Tita na naka focus sa pag manicure ng mga nails niya. (Arte nails haha)

"Alam niyo po ba kung ano ang huling text ni Miho sa akin?" Patatanong ko kay tita.

"Syempre hindi na sa akin ba ang cellphone mo?" Pilosopong sagot niya habang patuloy parin sa pag mamanicure

"Ito hu..Babasahin ko for you." Sabi ko sabay hanap ng text ni Miho

'Hey guys, Ashley's in trouble. Come here in St. Pauls Hospital.' Pagbasa niya sa text ni Miho

"Don't tell me kasama niya pa si Ashley hanggang ngayon." Galit kong sabi

"Ellen, wag kang ganyan, diba ikaw na nga mismo ang nagsabi na simula nung inakala ni Miho na ikaw ang kumakanta ng ALL ABOUT US ay kapit-tuko na siya sa iyo." Sabi ni Tita

"Eh simula kasi nung na hospital yang si Ashley na yan ay hindi ko na siya ma contact." Pag-aalala ko
"Hindi kaya...nalaman na niya ang totoo?" Dagdag ko pa.

"Well baka nga." Sabi ni Tita

"Tita! Hindi yan pwede! Gumawa ka ng paraan, kapag nalaman na ni Miho ang tungkol diyan at kapag hindi na niya ako papansinin,mapipilitan akong umalis sa play." Galit kong sabi

"Ano kaba Ellen." Gulat na sabi ni tita

"At sigurado ako kapag malaman niya ang totoo, siya mismo ang magrereklamo kina Madame K at Teacher Faith. Malaking gulo yun tita kaya naman ,gumawa ka ng paraan." Galit kong sabi habang naka hawak sa magkabilang braso ni tita

"Sige sige na ako na ang bahala." Sabi naman ni Tita.

"Dapat lang tita ,dapat lang." Sabi ko.

**********

Brando' POV

"Hoy, captain! Anong iniisip mo diyan?" Tanong ni Neil pagkatapos niya hampasin ang aking likod

"Ahhh wala." Sagot ko habang patuloy parin sa pag-iisip

"Hmmm anong wala?" Biglang pagsulpot ni Bryan.
"Eh iniisip mo siguro si Ashley noh? Well hindi kita masisi, mismo ako nga, nagulat ako sa itsura niya ngayon, ang sexy niya niya tol!" Sabi ni Bryan habang ginuguhit sa hangin ang sexy body gamit ang kanyang kamay sabay tawa.

"Oo nga ano, kahit pala oversize ang uniform niya....tsk! kita parin ang mga curves niya." Sabi ni Neil

"Ang iba nga dyan,kinain na ang sinabi niya noon na hindi bagay si Ashley sa atin dahail mataba siya ag dahil sexy lang ang bagay sa atin. Sexy na ang dating mataba mong admirer pre." Pagpaparinig ni Bryan.

Umakbay siya sa akin at nagsabing "Sige nga, yayain mo ngang mag date kung papayag siya." Paghahamon niya

"Hmmp! Tingnan niyo lang magiging girlfriend ko pa yan." Confident kong sabi.

"Abaaaaaa! Sige nga!" Sabay nilang sabi.

**********

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All about us #WWAward2018 #Proud2Ph #UAwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon