Jill's Pov
Hindi parin ako makapaniwala na bakla s'ya.
Kung tanuggin ko kaya, close naman kami eh.
Wag na, baka matuluyan pa sya saka baka ma turn-off pa s'ya sa'kin.
Pero pano nga kung bading sya? wala naba talagang pag asa ang fairy tale namin? ganon ganon nalang ba 'yun?
' Haha. Rara namang ang haba na ng pinagsamahan n'yo? 2 months palang po! Haalleer. Make up your mind before it's too late " Tssss hayan nanaman ang numero unong kontrabida, ang aking utak.
"Yung 2 months na 'yon. Di mo ba alam na inalagaan, pinaghirapan, at inalayan ng oras. Oo alam ko di pa kami, pero paparating na kaso biglang bakla pala s'ya "sabe ko na halos mangiyak ngiyak na. Ang HARD kasi.
"Arti mo. Feelingerang girlfriend sya ni Jake " Impakta talaga >_<
" Kinakausap mo nanaman ang sarili mo "Nagulat ako sa nagsalita. Tinignan ko kung sino, mamaya mumu pala yon. Laking gulat ko na ang taong nag salita ay ang taong pinag uusapan namin ni utak! And yes, sya yon, si JAKE.
"Oy ikaw pala. Ahh, nag mumuni muni lang ako. Ba't nandito kapa uwian na ah? "
Napagpasyahan ko kase pumunta muna sa swing ng playground para mag muni muni. Kaiyak kase ang mga nangyayare kaya nag sesenti ako.
" Don't you remember? varsity ako diba. Kaya lagi akong late na umuwi "Ay oo nga pala. I almost forgot na varsity sya. Pero dapat nag prapractice s'ya ah? Ba't nandito ang anghel na ito? Ay mali sirena pala.
"Eh ba't na'ndito ka? Diba dapat nag prapractice ka? "
" Pinauwi na kami ni coach kase may gagawin pa daw s'yang importante. Bukas nalang daw uli "
" Ahh. Gano'n ba " Still, malungkot parin ako.
" Sabay na tayo uwi " Yaya nya sakin.
Napa ngiti naman ako ng sobrang lawak abot hanggang edsa.
Ok lang di nya naman makikita kase naka tungo ako.
Jake ba't gano'n ka? Ba't kung keylan natatanggap ko na bakla ka, saka ka naman biglang sumusulpot at pinapakilig ako.
" Sige. Wait may kotse kaba? " tanong ko sakanya pero binibiro ko lang naman sya.
" Ahh, eh wala pa eh. Pero, magkakaroon nadin ako. Hintay lang " Haha. Para s'yang batang nag yayabang. Ang cute mo talaga crush.
" Sige, tara na. Libre moko pamasahe "
Kasalukuyang nasa dyip kami ngayon.
Nakakainis naman t'ong mga bruha na katabi ni Jake!
Kulang nalang lafain 'tong kasama ko. Tssssss.
Pero ito talaga matindi, ang mga baklang shokoy!
Hindi naman nila lalafain si Jake, GAGAHASAIN lang naman ng mga punyeters 'to! So, umandar na ang pagka mataray ko.
Siniringan ko ang mga bruha, pero inirapan lang nila ko. Aba letse tong mga 'to ah. Next ang siniringan ko naman ang mga baklang shokoy. Inirapan lang din ako. Grabe mga bwiset!
Edi nag super saiyan na'ko. Kumukulo na talaga ang dugo ko kumuha ako ng papel sa bag ko, mga sampung papel din 'yon ah
Ako na mayaman sa papel, pero ako yung tipong ang role sa klase ay ang magsabe ng "Pengeng papel.Tankyu"
Binulunggan ko tong kasama ko na nakatanga lang pero ang pogi parin =">
"Jake. Papara nako tapos pag bilang ko ng tatlo baba tayo ng mabilis ha. Bilisan mo ah, make me proud " natawa naman s'ya don sa huli kong sinabi na "make me proud"
Pano kaya pag nasa kwarto n'ya kami, tapos sinabi ko yon. HAHAAHA O///////O
Readers good girl po ako di lang halata. Naniniwala parin po ako sa salitang "DALAGANG PILIPINA"
Magsasalita nako. Mag papara nako.
"para po" nakita kong nag simangutan ang mga karibal kong panget. Pero inirapan ko lang sila carelalou ko ba?
"1---" Di ko na tinapos at hinila ko na pababa ng dyip ang mala anghel kong kasama, pero bago kami tuluyang makababa pinag babato ko ang mga pangit na salot ng buhay ko.
Infairness ang bilis n'yang tumakbo. Yung takbo nya yung parang hinahabol ng aso pero may poise paren. HAHA.
" Na-nice run ha Mr. Santos " Pahapo ko ng nasabi.
I LOVEYOU na JAKE. Wait jake di kaba napapagod? kase kanina kapa tumatakbo sa isipan ko e.
Kinilig naman ako sa sarili kong banat. Jake how I wish narinig mo yung banat ko :/ .
" Ha-ha. Ang bilis mo din tumakbo eh. Buti naisip mo gawin 'yon naiirita narin ako sa pag titig nila at pag kindat. Eww kadiri "
Wait! ano raw? eww? kadiri? bakla kaba talaga jake? please lang wag kang lumambot.
Pero kadiri naman talaga ang mga bruha at baklitang 'yon.
Kung ako si Jake magiging bakla nalang ako kesa naman mapunta sa mga 'yon, or else magpapatiwakal na lang ako.
Pero kung ako si Jake, liligawan ko na talaga si Jill, si JILL RAMOS.
Bakit hindi? Maganda sya,matalino ,mabait, sexy pa! San kapa! Kung baga sa cd " All in one "
di ko namalayan na mag ka holding hands kami.
SHOCKS! ka holding hands ko si crush! Fan girl feels *///////*
Parehas kami napatinggin sa mga kamay namin na parang naka lock na dahil hindi mapaghiwalay.
Syempre kahit si crush ang ka holding hands ko may respeto paren naman ako sa sarili ko no. Binawi ko 'yung kamay ko habang namumula ako. *///*
"Ahh.. Ano Jake una nako. Ako nalang uuwi mag isa. Magkahiwalay rin naman yung ruta natin papauwi kaya maghiwalay na tayo dito. Sig, bye! "Grabe. I'm sure kamatis na talaga ko!
" Pero wait hati--- "di ko na sya pinatapos sa pag sasalita at nag tatakbo na papuntang tricycle
Pangiti ngiti ako na parang tanga habang nakasakay sa tricycle.
Jake thanks sa fan service. Saranghae kahit shokla ka keri na pogi naman ;)
Ang lambot ng kamay ni crush =">
BINABASA MO ANG
My Oh So Gay Crush
Hài hướcMahirap man aminin ngunit ang isang magandang nilalang na tulad ko'y nahulog sa balikong tulad n'ya. Ang daming problema na di naman kasama sa ina-achieve kong #lifegoals. Bakla, bakla, bakla, mahal kita. Ang gulo-gulo at ang hirap intindihin, pasad...