Chapter 21 : I'm Alive

81 3 0
                                    

Patawad doon sa mga nagbabasa, kung mayroon pa. Ajuju. Pero, ayon nga, sorry. /bow. Masyado kasi akong naging tamad kahit na sinabi kong Christmas vacation ako mag a-update, pero heto, mag Va-Valentines na saka ko lang na update. Gusto ko sana gumawa ng Valentines chap. kaso ayoko ng mangako kase baka di nanaman matuloy...

Oo nga pala, I dedicate this to YOU, who are reading. Dahil binabasa mo pa at na a-appreciate ko s'ya dahil pinapasadahan mo ng tingin, miski silent reader ka pa. (Halos lahat naman silent reader, hihi) Ilang buwan akong natigil, kaya heto ang maikling update, naisip ko lang kahit 2:36 na ng umaga. Sige, goodmorning? /laughs. Nightnight^^

----

Jill's Pov

Heto, ako. Buhay at nakakahinga pa naman, at tsaka, hindi pa pala ako baldado. Kaya chill lang ako.

Nandito ako ngayon, walang ganang naka-upo sa aking bangko habang nagtuturo ang aming guro, ngunit wala naman akong maintindihan. Siguro, naka-tuon pa din ang pag-iisip ko sa panagnip kong iyon.

"Jill, mahal na mahal kita" ang mga katagang nagpabaliw sa akin ng humigit ilang araw na din hanggang sa oras na ito...

Ini-isip ko kung bakit sa dinami-daming pu-puwede ko namang mapanigipan ay bakit iyon pa. Kung keylan papasuko ka na ay bigla naman ko iyon mapapanigipan. Ang galing, nakaka-mangha. Papaano ko kaya s'ya mas makakalimutan, kung siya parin ang isip-isip ko ngayon, imbes na makinig nalang ako kay Sr. Ruffles kung anu-ano pa iniisip ko.

Nakakagulat nga, dahil miski ako ay nabigla ng sabihing pinabalik na siya dito si Sr. Ruffles, ang masama no'n, teacher ko parin s'ya. Pero, so far, so good. Hindi naman n'ya ako pinag-iinitan o ano, maayos n'ya ng pinapaliwanag sa gitna ng klase ang lesson namin ngayon, sadyang lutang lang ako, at nakakamanghang mabait na s'ya ngayon at hindi na tinitiga-- hay ayoko ng pagusapan.

Hindi parin ako makapag-focus ng maayos kaya itinuon ko lang ang atensiyon ko sa libro.

Makalipas ng veinte segundo...

Jusko, ano ba naman ito! H-huwala akong maintindihan! Nakakabobo na ang pag-ibig!

Mabuti pa sigurong itigil ko nalang, kaysa naman bumagsak ako sa mga subjects ko at di ko pa matapos ang secondarya! Sa tutuusin, kung magpapaka-praktikal ako, masasabing nagpapaka-tanga na lamang ako at nakakasawa na. Kung anu-ano na ang naranasan ko dahil sa pag-ibig na iyan.

Haaay, ayoko talaga ang humugot, kaso doon din bumabagsak kaya itutuloy ko na...

Nakakainis kasi, Isa na ng ma-ospital ako-- OO ALAM KO NAMAN AKO ANG MAY GAWA NG KATANGAHANG IYON, PERO S'YA PADIN ANG DAHILAN! So, ayon nga, tulad pa noong napatalsik to si Sr. Ruffles, siya din may gawa noon, kung di dahil sa kan'ya hindi tataa--- haay, ayoko talagang pagusapan 'yon. Basta, si Jake lahat ang may sala!

Pero, noong naala ko ang pag-iyak n'ya sa panaginip ko doon sa ospital, napaisip nanaman ako at bumuntong-hiniga ng mahigit ilang beses din. Kung sana, gano'n talaga siya sa totoong buhay, kung saan ayaw n'yang mawala ako at pinag-aaksayahan n'ya pa ng luha. Pero, hindi! Nando'n s'ya, kung nasaan man s'ya ginagawa ang kung ano mang bagay! Taksil, talaga!

"Goodbye, class." at doon nagsitayuan ang mga kaklase ko. Hindi ko man lang naramdaman na pa-tapos na pala ang klase, akala ko matatagalan pa. Pero, ayos na din 'yon at gutom na din ako. Hihihi.

Mag-isa ako ngayon, sa kadahilanang may sakit daw ang pinakaaay--mahal kong beastfiend. Beast. Kaya, ako ito ngayon mag-isang kakain sa canteen.

Tinignan no ko ang pila, jusko! Baka, mamaya pa akong uwian bago makakain. Sa haba ng pila ay umusbong nanaman ang aking pagka #badgiril. Dere-derecho ako sa pinakaunang linya, wala na akong pake kung may magalit, gutom na ako! Huahua

"Miss, alam mo yung salitang pila?" sabe ng tao sa likod ko,alam ko naman kaya hinarap ko. "Oo alam k--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa gulat ng makita kung kanino nanggaling ang boses. "J-jake." sambit ko, kita din sa mata n'ya ang gulat. Ngunit....

Ngunit sa gutom na ako ay umorder na muna ako. "Ate, pork chop nga po, take-out." nag-aalinlangan pa si ate, dahil halatang galit sa pag-singit ko. Rinig ko pa nung pagkatapos  n'yang i-abot yung  pagkain sa akin, pasimpleng 'binash' pa ako. Woww. Dere-derecho nalang ako sa unahan at di na pinansin ang tuloy-tuloy na pag 'bash' sa akin ni ateng sungit.

"fifty pesos." sabe ni kuya sa cashier, haay, mahal na talaga ang bilihin. Atras-sulong naman ako sa pag-a-abot ng pera mula sa pitaka ko, nakakahinayang. Ajuju... Ngunit, huli na ang lahat. Nabayad ko na...

"Jill," tawag ni Jake sa akin, naalala ko pinagpalit ko nga pala s'ya sa pagkain.

'1st step of moving on'.

Hindi ko na s'ya liningon, dahil baka hindi lang ako makapagpigil, at mahagkan ko na sya. Landi. Imbes, ay nag lakad-takbo nalang ako. "Jill, saglit!" sigaw n'ya, pero hindi ko na pinansin. Nagulat nalang ako ng hawakan n'ya ako sa braso...

Rambulan sa tiyan, pagkahilo, pagka-blur ng paligid ang mga pamilyar na pakiramdam na ito...--- confirmed! Buntis ako!

"Kamusta na ang lagay mo?" tahimik lang ako. "Hindi na ako nakadalaw dahil ng nalaman ko nakauwi ka na daw sa bahay n'yo" Saglit, kanino n'ya naman nalaman? Pero, imbes na magtanong, nanahimik na lang ako. "Ba't mo ginawa yon?" sa pagkasabi n'ya no'n ay bigla n'ya akong hinila papalapit sa kan'ya at yinakap, yinakap ng mahigpit... Saglit, kilig ako, hihi. "Huwag mo ng uulitin iyon, ha?" sa pagkasabi n'ya no'n ay parang bumalik ang panaginip ko saakin.

Sasabihin n'ya kaya ang mga katagang hinihintay ko? "Jill, mahal na mahal kita." Saana.

Ilang minuto din ang itinagal ng yakapan namin 'yon. At, aaminin ko, kilig puwet ako. Hihi.
Pero, hindi n'ya sinabi ang mga kataga. Ajuju. Hindi nagtagal ay nag paalam na din siya, pero bago s'ya mawala sa paningin ko ngumiti muna s'ya ng pagkalapad-lapad sa akin na nagpabilis ng tibok at nagpalukso sa puso ko.

^^^

Doon ko naramdaman, na hindi ko kayang iwanan o talikuran man ang : ngiti n'yang nagpapabaliw sa akin, yakap na nagpapakalma sa akin, at ang *ubo, ang katawan niyang matipuno, hihi. Ngunit syempre ang mga tingin niyang nagpapaibig sa akin sa kan'ya araw-araw na hindi ko man lang kayang labanan.

Hindi ko pa kaya isuko ang lahat, pag katapos lahat ng nangyari. Pagkatapos ng yakapang iyon ay hindi ko kayang maging kalma at ayos lang. Dito, sa pagkakataong ito, sasabihin ko "Akin ka lamang Jake, seryoso na to." sambit ko sa kawalan, bahala na kung may makarinig, hihi.

*

Takte! Wala pa namang nangyayari, wala din akong isusuko. Ayy...

"Akin ka lamang Jake, seryoso na to."....

My Oh So Gay CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon