Talambuhay Entry 1

22 0 0
                                    

Mahal kong Kuwaderno,

Nakakakilabot ang nangyari sa akin ngayon. Nagising ako sa isang malaking kwarto na puno ng mapuputing gamit. Meron pang mga de kuryenteng mga kagamitan at may plastik na tubo na may karayom sa dulo na nakakabit sa aking mga kamay. Kaya pala nakaramdam ako ng kaunting kirot pagkamalay ko.

Asan ba ako kuwaderno? Ang tanging naalala ko lang ay sumakay ako sa isang de pasaherong jeep paluwas ng Maynila para makatakas sa galamay ng tiyahin ko na may balak ipakasal ako sa isang matandang haciendero sa amin. Nakakadiri kaya yun! Ayoko sa matandang hukluban na yun! Wala na nga yung natitirang ngipin tapos may lakas ng loob pa siyang magpakasal sa akin?! Hindi ako makakapayag Kuwaderno kaya dali dali akong tumakas papuntang Maynila.

Pero ano nga ba ang nangyari? Bakit may nakakabit na tubo sa akin? Bakit makirot?

Tsanga pala, ngayon ko lang napansin na napaka gara pala ang mga kagamitan dito sa kwarto na 'to! Yung amin lang kasi maliit lang na kubo tsaka sa papag kami nagsisiksikan pero dito, may malambot tsaka malaki pang kama! Ang saya!

Kwaderno, may mga galos din ako sa katawan tsaka parang may tela na tumatakip sa ulo ko. Ano nga ba talaga ang nangyari?

Andaming tanong sa isip ko kwaderno pero unti unti ng hinihila ng antok ang mga talukap ng mga mata ko. Magpapahinga muna ako ha.

Naguguluhan na ewan,
Noura.

Diary Ng Isang Ligaw na Noura Where stories live. Discover now