Dear Kuwaderno,
NAMAMAGA ANG MGA MATA KO.
Wala na ata akong ginawa kagabi kundi umiyak lang ng umiyak. Nakakainsulto kasi yung ni la-LANG niya yung pagiging probinsyana ko.
Napilitan tuloy akong magkulong dito sa kwarto dahil ayaw kong lumabas baka makita ko pa siya at masapak dahil sa sama ng loob.
Pero ng katukin ako ni Madame dito sa kwarto, pinagbuksan ko na lang Kwaderno. Wala naman kasi siyang alam na may pagka demonyo yung branded niyang apo. Kainis.
Ang sarap tirisin ng Zain na yun.
Akala ko pa naman hihingi yun ng patawad kanina nung naghapunan kami pero inirapan lang niya ako!
Bakla ba 'tong bwiset na 'to?
Sasabog na sa inis,
Noura.
YOU ARE READING
Diary Ng Isang Ligaw na Noura
RandomSamahan si Noura maglakbay sa isang makabagong mundo na puno ng hindi niya maintindihang bagay. Maligaw kaya siya sa makabagong mundo o maliligaw siya sa puso ng isang lalaking walang modo?