Chapter 11

2 0 0
                                    

May balanse talaga ang mundo. Kapag may negatibo, may positibo. Pag minamalas ka, may dadating talagang swerte at mukhang nahanap ko na ang swerte ko sa katauhan ni Koyang gwapo.

Kahit naman probinsyana ako at kaunti lang ang alam sa mundo, marunong naman akong dumipena ng gwapo. At pag sinabi kong gwapo, gwapo talaga. Hindi yung gwapo na karaniwang nakikita ko sa probinsya. Yung pawisin dahil sa kakasaka? Hindi. Yung gwapo talaga na karaniwang nakikita sa mga magazine na binabasa ni Lotlot. Model ata yung tawag non? Baka naman model yung lalaking yon?

Didiretso na sana ako sa kwarto ni Lotlot para magtanong ng maka ramdam ako ng masamang espirito.  Parang ang init na lang bigla.

Sa pagkakaalam ko, naka todo ang aircon dito sa bahay ni Madame. Bakit ang init bigla? I chi-check ko na sana yung aircon ng may mahagip ang mga mata ko.

Napa irap na lang ako.

Yun naman pala, may demonyong nakatayo sa dulo ng hagdanan.
Isa pa tong mukhang model. Kaso, ang lansa ng ugali. Kung makatitig sakin parang ang laki laki ng kasalanan ko eh siya naman yung may kasalanan sakin.

Atsaka, bakit siya naka uniform at bakit parang pawis na pawis siya?

Nilakad ba niya ang eskwelahan patungo rito?

Napatawa ako. Imposible naman.

"San ka galing?"

Nagpa tuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na lang siya pinakinggan.

"Hoy kinakausap kita!"

Ang ganda pala talaga ng mansyon ni Madame! Ang daming mga mamahaling mwebles! Atsak-

"Aray!"

Napaigtad ako ng hiklatin niya yung braso ko.

"Tinatanong kita!"

"Ano ba?" Kahit naman anong inis ko sa kanya, hindi ko pa rin magawang pagtaasan siya ng boses. Kabastusan yon. Amo ko siya at dapat nirerespeto kahit di naman siya ka respe-respeto.

"Bakit ngayon ka lang dumating?" Sambit niya. Napatingin ako sa pag igting ng kanyang panga at paglalim ng kanyang mata. Mukha talagang demonyo.

Matikas na demonyo.

Ano kamo?

"Baka nakalimutan mo na iniwan mo ko sa gitna ng maraming tao kanina?" Sagot ko.

Umangat lang yung gilid ng labi niya sa sagot ko.

"Kaya ka sumama sa lalaking 'yon?" Asik niya sakin.

"Mabait kasi yung tao para magma gandang loob na ihatid ako dito."

Hilaw siyang tumawa. Anong nakakatawa dun?

"Tch. Probinsyana talaga. " Bulong niya.

Bumaling ulit siya sakin at tinuro ang noo ko.

"Ipasok mo sa kukote mo na hindi lahat ng tao mabait. Hindi ibig sabihin na hinatid ka niya, mabait na siya. Mabait my ass."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Aba! Di ako papayag na ganyanin niya yung naghatid sakin! Gwapo pa naman yun!

"Talagang mabait siya! Nilapitan nya nga ako ng mapansin siguro niyang nawawala ako." Taas noo kong sagot.

"At bakit parang kasalanan ko pa?" Taas kilay niyang tanong.

Sasagot na sana ako ng nilapit niya ang mukha niya sakin at napaatras ako ng makita kung gaano ka riin ang titig niya.

"A-anong

"At tandaan mo to, hindi kita responsibilidad. Katulong ka lang, promdi."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary Ng Isang Ligaw na Noura Where stories live. Discover now